"AMIRAH,ganito lang ang gusto ni Sir sa kape,ayaw n'ya ng sobrang tamis ayaw n'ya din ng nasobrahan sa creamer." Paliwanag sa akin ni Asun. "Oh,sige nga ikaw naman ang gagawa nito next time at hindi ka naman mahihirapan dahil may coffee maker tayo dito,kaya lang minsan may saltik si Sir, gusto n'ya ay mano-mano ang pagtitimpla,para daw damang-dama n'ya ang sarap sa bawat higop."Sabi pa nito sa akin na inabot sa akin ang kape. "Maghahatid ka lang ah!" Ani pa nito na may mapanudyong tingin sa akin. "Oo naman,ito talaga kung anu ano na naman ang pumapasok d'yan sa utak mo." Sagot ko dito. "Alam mo Gurl,kung wala naman akong nakita kanina sa ilalim ng mesa ay hindi naman kita tutuksuhin ng ganito ngayon,bigla ko tuloy namiss ang boyfriend ko."Sabi pa nito na pinagsaklop pa ang kan'yang mga

