AMIRAH s***h Zamirah's POV. Pagkatapos nga namin na kumain ay niyaya ako ni Lola dito sa garden ng mansyon. May naiisip na akong dahilan kung bakit gusto akong kausapin na agad nito. Nakikita ko din ang naggagandahan na mga bulaklak na talagang alagang alaga naman ng hardinero dito sa mansyon. Dalawang taon ang lumipas, simula ng umalis kami dito sa Pilipinas at manirahan sa France kung saan ay may malaking mansyon din pala ang mga VERMUDEZ. Pero doon ay hindi kasing dami ng kasambahay dito sa mansyon. Doon kasi ay every weekend lamang pumupunta ang mga tagalinis at umaalis din pagkatapos kaya naman noong nandoon kami ay talagang nagtutulungan kami ni Adam sa mga gawin lalo na ng ipanganak ko na si Yeira. Kahit pa gustong gusto ni Lola na kumuha kami ng Yaya doon ay hindi ko tinangga

