"Ano ba ibaba muna Ako!" Utos ko pa kay Yzmael. Sumunod naman ito sa akin at ibinaba nga ako. Tatakbo na sana ako pabalik ng tent ay bigla naman akong hinila nito. "Ano ba,bitawan mo sabi ako!" Sigaw ko pa dito. "Hindi kita bibitawan hangga't hindi tayo nagkakausap ng maayos." Sabi nito at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking wrist na sa sobrang lakas nito ay hindi ko kayang bawiin ang aking kamay mula sa pagkakahawak n'ya sa akin. "Ano ba kasi ang pag-uusapan natin?" Tanong ko pang muli dito. "Pwede naman na si FIA na lamang ang isama mo dito at ako ay iniwan muna lamang sa tabi ni Fonso "Amirah!" Sigaw nito na ikinatigil ko sa aking mga sasabihin pa. "Wala silang kinalaman sa pag-uusapan natin,dahil ito ay usapan between sa ating dalawa." Sabi pa nito. "Amirah ilang a

