Kinabukasan ay inihanda na ni Zamirah ang kan'yang sarili.Dahil umpisa na ng kan'yang pang-aasar kay Loyda. "Zamirah,nakangiti ka na naman d'yan mag-isa,baka mamaya ay nakahawak ka na d'yan sa buhok mo at iniikot-ikot mo." Natatawang sabi Adam ng makita n'ya ang dalagang na nakangiti habang nakatingin sa isusuot nito mamaya sa kan'yang paglabas. "Ano ka ba naman Adam, nag-iisip lang ako at tumayo ka na nga d'yan at tulo laway ka pa." Pasimple naman na hinawakan ni Adam ang bibig n'ya. "Wala naman Zamirah," Sabi pa ni Adam na ibinato ang unan na naiwasan naman ni Zamirah. "Kung anu-ano kasi ang napapansin mo sa akin,kaya Ang dapat sa'yo ay pagtripan din." Pilyang sabi pa ng dalaga kay Adam na sumimangot na lamang. Wala talaga s'yang panalo,kapag si Zamirah ang kaharap n'ya. Lagi ta

