Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasan na maalala ang araw na iyon nang iwan n'ya ako. FLASHBACKS TWO YEARS AGO Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa opisina. Tumingin agad ako sa aking cellphone para makita kung anong "Five in the morning?" Takang sabi ko pa na hindi makapaniwala na dito na ako nakatulog sa opisina,sa sobrang pagod ko at sa dami ng kailangan ayusin para sa panibagong business na aking gustong pasukin. Ang pagbili ng mga mamahalin na luxury cars na aking ibebenta din sa mga possibly buyer. Hindi ko naman akalain na uumagahin pala ako at hindi man lang ako nakapag-update kay Amirah na may mga inaasikaso ako. Agad ko na tinawagan ang cellphone nito,dahil may missed calls din ito sa akin. Pero nagtataka ako dahil hindi ito sumasagot. "Baka naman natutu

