Halos limang oras din ang naging byahe namin at ngayon nga at heto kami at nandito na sa napakagandang beach na resort na may pangalan na Rafa's Resorts. Ang ganda ng lugar na ito at parang tama nga si Tita Allyza na mukhang mag-eenjoy ako sa lugar na ito. "Nagustuhan mo ba ang kk lugar na ito?" Tanong sa akin ni Xandro at napapansin ko nitong mga nakaraan ay parang sa tuwing kinakausap ako nito ay para bang hindi na din ito masyadong nag-eenglish kapag kausap ako na para bang iniiwasan n'ya talagang kausapin ako sa english na pananalita, maging si Tita ay ganoon din kaya iniisip ko na baka nasabi na din dito si Xandro na hindi ako masyadong nakaka-intindi ng salitang iyon. "Oo,sobrang ganda dito at tila dinadayo talaga dahil ang tao." Sagot ko dito at dala na pala nito ang mga gamit na

