SEVEN: Work and tease
Nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko.
“Bangon na, Akiara.” Rinig kong sabi ni Kuya Caleb.
“5 minutes more, kuya.” Sabi ko
“Di ako makakapagluto.” Sabi niya at napamulat ako. Kaya pala. Nakaunan pala ako sa braso niya tapos nakayakap pa ako sa kanya.
Ganito kami dati. Dati nung bata pa ako.
Bumangon kami parehas, pumunta ako sa kwarto ko sa taas para maligo at magbihis habang siya naman ay pumunta sa kusina, magluluto siguro siya.
Ako ang assigned na magliligpit ngayon kaya pagkabihis ko bumaba agad ako at nakita ko si Kuya Caleb na naghahain na.
Nagku-kwentuhan kami habang kumakain. A typical sibling scene kumbaga.
“Tibay mo ah. Buong araw mo akong sinuyo.” Pang-aasar ni kuya Caleb
“Duh. Ang arte mo kaya.” Sabi ko sa kanya at inimis ang pinagkainan namin at nilagay sa lababo
“Kesa naman sa sinungaling.” Sabi niya at umakyat na sa taas.
Natahimik lang ang bahay nung nasa taas na siya para maghanda sat nagligpit na ako ng pinagkainan.
I get to realize na masyado na akong na overwhelm sa presensya ni Kuya Caleb which is not good dahil sooner or later magkakaroon na siya ng seryosong GF or more at tingin ko ay may gusto ako sa kanya.
Nakakaasar dahil hindi pwede. Magkapatid kami.
“Ayos ka lang? Parang stress na stress ka.” Tanong ni Kuya Caleb habang nag-aayos ako ng mga gamit na dadalhin ko.
“Yep. May iniisip lang.” Sagot ko at sumakay na sa kotse. Siya ang magsasara ng gate pagkatapos ko ilabas itong kotse.
“Sino? Si Andy o si Ian?” nakangisi niyang tanong nung bumbaba ako ng driver’s seat para lumipat sa passenger seat.
Ikaw. Ikaw na walang ibang ginawa kundi bwisitin ako.
Inirapan ko siya at sumakay na. Napatingin ako sa date sa phone ko at nakita ko na September na pala. Halos 4 na linggo nalang kasal na nina Andy at Ian.
“Natahimik ka.” Sabi niya at napatingin ako sa kanya
“Naisip ko lang na halos kalhating taon rin pala bago matapos ang bahay na ginagawa natin.” Sabi ko
“Siguro, pero base sa sipag ng mga trabahador baka 4-5 buwan lang dahil 50 minutes anng break nila at more or less wala akong nakikitang walang ginagawa.” Sabi niya
“Ano nang progress?” tanong ko
“Under construction na ang second floor.” Sagot niya kaya itinext ko si Ian.
“Oo nga pala. Sino bang nagpapagawa nung bahay na yun?” tanong ni Kuya Caleb
“Yung pinsan kong ikakasal, si Ian.” Muntik na siyang mapa-preno kaya napatawa ako. Maling akala nga pala siya kay Brian.
“Pinsan mo pala yung lalaking iyon?” tanong niya
“Oo.” Sagot ko. Hanggang makarating kami sa trabaho tawa parin ako ng tawa.
Nagta-trabaho na sila nung makababa ako ng sasakyan. 2 naman kasi talaga ang sasakyan sa bahay pero lagi kaming isa lang ang gamit na sasakyan para makatidpid sa gas at dahil narin sa coding.
Pagkarating ko sa table ko, ni-review ko ang sketch ng bahay at pinentel yung tapos nang gawin. Dalawa ang ginawa kong sketch; isang official sketch at isang ginagamit ko sa pagta-track ng progress.
Habang nagta-track ako ng progress, nag-ring ang phone ko.
“Hello, Mama Charlotte.” Bati ko pagkasagot ko sa tawag ni Mama
“Akiara, ija, andyan ba ang kuya Caleb mo?” tanong niya
“Nasa labas po si Kuya, tatawagin ko nalang po kung gusto niyo.” Sabi ko
“Hindi na ija, kumusta ka na nga pala?” tanong ni Mama Charlotte
“Ayos lang po ako. May project po kami pareho ni Kuya. Nagpapagawa po ng bahay si Ian para sa kanila ni Kiandra.” Sabi ko kay Mama Charlotte
“Bantayan mo yang kuya mo, nagtitino ba dyan?” tanong ni Mama Charlotte kaya napatawa ako
“So far, Opo. Kami naman po ang laging magkasama kaya wala po kayong kailangang ipag-alala, Mama Charlotte.” Sabi ko sa kanya
“O sige, ingat kayo lagi mga anak.” Sabi ni Mama Charlotte
“Kayo rin po ni Papa Owen, Mama Charlotte.” Sabi ko sa kanya
“Pakipa alala mo ng sa kuya mo na buksan lagi ang cellphone niya.” Sabi ni Mama Charlotte
“Sige po, Mama Charlotte. I love you and Papa Owen. Ingat po kayo lagi.” Sabi ko bago ibaba ang tawag
“Si Mama?” tanong ng taong nasa likod ko. Humarap ako bago tumango.
“Anong nangyari sa’yo, Kuya?” tanong ko sa kanya. Ang dumi kasi ng polo niya at pants. May cement.
“Tumulong ako sa mga trabahador.” Sagot niya. That explains it.
“Naka t-shirt ka naman diba?” tanong ko sa kanya. Nagtanggal siya ng polo bago umalis.
Ayos talaga yung si Kuya Caleb. Napakakalat talaga kahit kailan. Pinulot ko ang polo niya at tiniklop. Pinagpag ko muna yung mga manggas dahil may semento.
Hinanda ko na sa mga envelope yung mga sweldo nila which is 5K. Kinompute ko rin kung magkano pa at hanggang kailang aabot yung bayad ni Ian. 5K nalang yung natira kaya tinawagan ko si Ian.
“Alam kong payday Friday ngayon, Iya. Nai-deposit ko na sa account mo ang perang ipapasweldo sa kanila. Don’t worry.” Sabi niya pagkasagot ng tawag
“May sobra pang 5K sa dineposit mong pera and I can say na pwedeng matapos ang bahay niyo within 4-5 months in time. Ang sisipag ng mga nakuha mong trabahador ah.” Sabi ko sa kanya at narinig kong natawa sya
“Ako pa ba? Ah basta itawag mo nalang ang progress baka mabasa ni Kiandra kapag text eh.” Sabi niya
“Ngayon palang it’s already obvious na under ka.” Sabi ko sa kanya
“Mahal ko naman. Sige na, bye.” Sabi niya at ibinaba ang tawag. Smitten.
Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Pinanood ko yung ginagawa ng mga worker at ni Kuya Caleb. Naisip ko lang, yung bahay pala nagiging matibay kapag pinagtutulungang gawin.
Pasimple kong kinuhanan ng litrato si Kuya Caleb tapos inilagay sa folder ng mga pictures ko kasama sila at ang mga pictures nila nina ate Chantal, Kuya Clinton, Mama Charlotte at Papa Owen. Meron ding mga couple shots nina ate Chantal at Kuya Howard at nina Kuya Clinton at ate Jewel.
Masaya. Nagtatawanan at nagkukulitan kami madalas sa mga pictures na nakasave sa phone ko. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa mga pictures.
Sana Imperial nalang talaga ako.
I would do everything to keep my family. Kahit na hindi ko sila kadugo at in the eys of the spectators I’m not really part of it.