Ilang buwan na ang nakalipas mula nung araw na tinawag niya akong malandi ni Ashley at Noong ipinakilala nila ako sa lahat ng mga kaibigan kamag anak ni mommy at daddy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakasundo. Bukas ay pasukan na. Ipinasok ako nila daddy sa school kung saan pumapasok si Ashley. Excited na akong pumasok kaya naman natulog ako ng maaga para maaga din ako bukas. Kasalukuyan akong nagbebreakfast ngayon.
"Manong ihatid mo na ako." sabi ni Ashley.
"Sabay na ako." sabi ko at umirap lang siya sa akin.
"Pwede ba maghire ka na lang ng sarili mong driver." sabi niya sa akin.
"Pero ma'am bilin po ng mommy niyo na ihahatid ko kayo ng sabay." sabi ni manong.
Wala nang nagawa si Ashley kundi pumayag .
Pagkababa namin ay sinabihan ako ni Ashley lumayo ako sa kanya. Wala naman akong balak na lumapit sa kanya. Magkaiba kami ng room kasi magkaiba yung course na kinuha namin.
Nandito na ako sa classroom namin at may lumapit sa akin.
"Ashley magkapareho pala tayo ng course." nakangiti niyang sabi.
"Hindi po ako si Ashley." tipid kong ngiti sa kanya dahil naiilang ako sa kanya.
"Ikaw yung twin sister niya. " sabi nito.
Ngumiti na lang ako.
"Nga pala Joana ang pangalan ko and you're Hannah right?" abot niya yung kamay niya sa akin.
"Oo." at kinuha ko ang kamay niya pero naiilang pa rin Ako.
"Huwag kang mahiya. We can friends or best friend." nakangiti nitong sabi.
"Salamat." sabi ko.
"Ibang iba ang ugali mo sa kakambal mo. Kung si Ashley siguro yun inirapan niya lang siguro ako." Ngumiti na lang ako.
"Halika pasok na tayo. Dito ka sa tabi ko." sabay turo niya ang upuan.
Nandito kami ngayon sa canteen. At may biglang lumapit sa akin na lalaki.
"Uunahan na kita, Hindi ako si Ashley."
"Alam ko classmate ko si Ashley. Gusto lang kitang makilala dahil yung kakambal mo ay ubod ng arte. By the way I'm Kiefer Del Mundo." sabi nito.
"Hannah Lopez" nakangiti kong sabi.
"Wow first day first ang landi mo na kaagad. Mahiya ka naman at bitbit mo pa ang apelyido natin. Huwag mo naman sanang dungisan." Inis na sabi ni Ashley.
"Anong problema mo ah. Pinagbigyan na kita ng ilang buwan. Pati ba naman dito aapihin mo pa rin ako." pagtatanggol ko sa sarili ko.
"At lumalaban ka na ngayon ah." Akma niya akong sasamplin kaya naman nasalo ko ang kamay niya at itunulak ko siya na dahilan na mapaupo siya sa sahig.
"You will pay for this." gigil niyang sabi.
"Edi lubusin ko na ang araw na to para naman sa paghihinganti mo ay lubusin mo din." at tinapon ko ang juice ko sa damit niya.
"Oh my God." sabi nung mga tao sa paligid namin.
"Tandaan mo Ashley matuto kang ilugar ang ugali mo. Kung hindi mo ako pinahiya hindi ka din mapapahiya. Gaya nga ng sabi nila kung ayaw mong gawin sayo huwag mo ding gawin sa iba. Ikaw ang nauna kaya ipinagtanggol ko lang ang sarili ko Ashley." sabi ko at umalis na din ako.
Nandito na ako bahay at nakita ko si Ashley na lumabas sa kwarto ko.
"Anong ginawa mo sa kwarto ko."
"Tignan mo ng makita mo. "sabi nito dali dali along pumunta ako sa kwarto ko at tumambad sa akin na punung- puno ng juice ang kwarto ko pati ang bed ko kaya naman ay nagpunta din ako sa kusina para kumuha din ng juice para ibuhos ko din sa kwarto niya. Kaso nga lang naubos na ang juice kaya naman asukal ang kinuha ko pareho lang din yun malagkit.
"Anong gagawin mo diyan." Tanong nito.
"Watch me." At tinungo ko ang kwarto niyo at ibinuhos ko din ang asukal sa bed niya at buong kwarto niya.
"Akala mo ikaw lang. Tsk." sabi ko at nakangisi din ako.
"How dare you." Inis na inis niya sabi.
"Nga pala sa guess room ako matutulog. Ayoko ng katabi."
"Manang!" tawag ni Ashley.
"Huwag na huwag mo siyang tutulungan manang kundi malilintikan ka sa akin." sabi ko kay manang kaya natakot siya sa akin.
"How dare you to talk to her like that."
Dumating na sila mommy.
"Mommy look what Hannah did to my room." sumbong nito.
"Siya naman po yung nauna eh gumanti lang din po ako." akma na akong iiyak para nasa akin ang simpatya nila mommy.
"Si Hannah po nagkalat ng asukal sa room ko." sumbong nito na parang bata na inaway.
"Si Ashley naman po yung nauna, pinaliguan niya po ang kwarto ko ng juice." at ginalingan ko pa ang arte ko para mas lalong mainis si Ashley.
"But dad naghiganti lang naman ako dahil pinaliguan niya ako ng juice sa school."
"Dad siya naman po yung nauna, ipinahiya niya ako sa school at ipinagsigawan na malandi ako kaya ipinagtanggol ko yung sarili ko. Baka siya pa ang nag utos dun sa lalaki na lumapit sa akin dahil classmate niya ito. At sasabihin na malandi na ako samantalang nagpakilala lang naman yung lalaki. "
"Hindi ko alam kung paano ako pumagitna sa inyong dalawa. Mas mabuti na lang kung hindi kayo magpapansinan kesa naman mag aaway kayo." sabi ni mommy.
"Bakit sa isang iglap nagbago ang pakikitungo mo sa kapatid mo Hannah. Ang pagkakakilala ko sayo ay mahaba ang pasensya. Pero bakit parang nag iba ang ihip ng hangin sayo. May sakit ka ba?" at lumapit si daddy sa akin para tignan niya kung may lagnat ako
Nakita ko na nakangisi si Ashley.
" Natuto lang naman akong lumaban dad, Hindi naman po pwede na lagi na lang akong aapihin ni Ashley. " Tumalikod na ako at nagpunta sa guess room.
Athena's POV
"Pakilinis na lang ang kalat ng kambal. Pagpasenyahan niyo na ang kalat nila" pakiusap ko sa mga katulong
Nandito na kami sa kwarto namin.
"Gabriel hindi ko alam kung paano natin maayos ang kambal. Dapat sa madaling panahon dapat magkabati na sila. Dahil kung hindi lalala at lalalim ang away nila." Sabi ko
"Naisip ko na yan."
"What if ililipat na lang natin si Hannah sa ibang school."
"Hindi pwede dahil mas lalong lalayo ang loob nito kay Ashley."
"Pero kung magsasama sila sa iisang school baka hindi malayong mapapatawag tayo sa school."
"Hindi naman ako papayag na mangyari yun. Dapat matuto sila na magkasama dahil mapipilitan talaga ako na ipadala sila sa Australia."
Kinaumagahan sabay sabay kaming nag almusal.
"Nag usap kami ng mommy niyo kagabi."
"Napag usapan namin na kung ipagpatuloy niyo ang pagbabangayan niyo ay mapipilitan kaming ipadala kayo sa Australia."
"Mommy." reklamo ni Ashley.
"Kung ganun dun na po kami mag aaral mommy." Parang gustong gusto pa ni Hannah na pumunta sa Australia, kunsabagay hindi pa siya nakakapunta doon.
"Si Hannah na lang ang ipadala niyo tutal gusto niya naman.
"Ipapadala lang namin kayo dun kung mapapatawag kami sa school niyo dahil sa away niyong dalawa." sibi ni Gabriel.
"But dad."reklamo ni Ashley.
"That's final."
"Kasalanan mo to eh."sabi ni Ashley kay Hannah.
"Baka mas papadali ang flight niyo kung ganyan ka Ashley."
Nginitian ako lang si Ashley.
"Kung hindi kayo magkakabati at mag aaway pa din kayo ay talagang hindi kayo makakalusot."
"Mommy naman. Ayoko kayang makipagbati diyan." sabi ni Ashley at itinaas ko lang ang kilay ko at ngumiti.
"Ikaw ang bahala Ashley dahil mas kakayanin ni Hannah ang magstay sa Australia kesa sayo"
"Ano ba meron sa Australia mommy." tanong ni Hannah.
"My farm tayo doon at kapag ipinadala namin kayo doon ay pag aaralan niyo kung paano ito patakbuhin habang nag aaral kayo."
"Sounds great."
"Wow natutuwa ka pa talaga."
"Alam ko naman na nandidiri ka. Tandaan mo sanay ako sa madumi at mabahong lugar. Kaya ikaw dapat ang mag adjust kung ayaw mo na matuloy tayo. At tigilan mo ako sa kaartehan mo."
"Tutal sanay ka naman kaya ikaw na lang pumunta dun, huwag mo na akong idamay."
"Daddy pwede next week na lang ang flight namin."
"Sure baby."
"No!."
Natawa lang si Hannah sa inasal ni Ashley.
Hannah's POV
Nandito kami sa loob ng kotse. Papasok na kami sa school.
"Anong ngini ngiti mo diyan. Are you crazy." sabi ni Ashley sa akin kaya natawa lang ako sa sinabi niya.
"Go away, baka mahawa pa ako sa kabaliwan mo. " taboy niya sa akin kaya niyakap ko siya para mas lalo siyang maasar. Pero ang hindi niya alam ay may idinikit ako sa likod niya. At isinulat ko doon na 'pangit ang ugali ko huwag tularan'
"Duh bitawan mo nga ako." at kinuha niya ang alcohol niya at sanitizer.
"Ang sarap mong pagtripan. Ang arte mo kasi."
Mas lalong umusok ang ilong niya.