Nagsitayuan ang lahat nang matapos na ang ninety minutes ng football match. Panalo ang national team ng Pilipinas. Naging susi sa tagumpay si Dylan bukod kay Renz Magpala. Napaakbay si Dylan sa mga kasamang players nito habang humaharap sa audience. Pinaulanan ang mga ito ng mga confetti. "I love you Dylan!" sigaw ni Tessa. "Hey ikaw, magcheer-up ka naman sa kanya!" tinapik siya nito. "Congrats Dylan!" kanya ring sigaw. Nagwave si Dylan sa audience bago umalis sa field. Dumako ito sa upuan ng team nang may sumalubong nito na babae. Classy itong tingnan at obvious rin na galing sa prominenting pamilya. Ang layo ng hitsura niya kumpara rito. Ito ang kasama ni Revica nuon sa party ng Furtica Food Corp. Nagbeso ito agad sa binata. Parang ang close nilang dalawa. Pinahiran pa ng babae ng

