"Sabihin mo sa akin, Nida?! Totoo ba tong nalaman ko? Anong katotohanan na hindi talaga kayo naaksidente ni Rosemarie? Sabihin mo sa akin, sinadya mo bang patayin siya?!" "Saan mo nakuha ang balitang 'yan?! Bakit ko namang pagpapatayin ang kaibigan ko?!" "Dapat pala, hindi na kita pinagkakatiwalaan pa! Nagawa mo pang manloko?! Akala mo makatakas ka pa sa lahat ng mga kasinungalingan mo?!" May narinig silang isang bagsak. Pagkatapos ng pangyayari, nang magamot ang tama ng baril kay Dylan ay nagpasya silang dalawa ni Blaise na puntahan si Sebastian sa hospital, nagising na pala ito. At sama-sama nilang pinakikinggan ang isang recording. Isa ito sa mga nakuha ni Blaise nang buksan niya ang vault. "May nakakita sa ginawa mo! Sinabing huminto ang sinakyan ninyo ni Rosemarie malapit sa bangi

