Chapter Eighteen

2009 Words

Annulment paper? Babasahin na sana niya ang kabuan nito nang nakarinig siya ng ingay. Dali-dali niyang ibinalik ang papel sa drawer. Inoff niya rin ang kanyang cellphone. Posibleng mga employees rin ito ng Air Philipppines na maiingay. Lumagpas rin ang mga ito. Palihim siyang bumaba ng building. Naratnan niyang may nakidalo na nagsasayaw ng waltz sa stage. Matapos nun, ilang sandali lang ay nakahiga na siya sa kanyang kama. Mabuti na lang at tuluyan ng nakatulog si Nida nang dumating siya. Duon na siya dumaan sa kanilang likuran, may alam kasi siya kung paano bubuksan ang trangkahan duon kahit nakalock. 2:00 AM na at hindi pa rin siya makatulog. Ang masungit na pagmumukha ni Revica habang sinampal siya nito ay laging bumabalik sa kanyang isip na para bang nagbigay sa kanya ng bangungot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD