Bagong araw, akala ni Blaise na magiging ayos na ang lahat sa kanyang pagising pero hindi pa rin siya mapakali. Tinawagan niya muli si Nida pero hindi pa rin niya ito macontact, out of reach pa rin. Panay ang malakas na buntong hininga niya sa dining table habang nagbreakfast sila ni Tessa. Hindi niya maigalaw ang pagkain niya. Nilalaro lang niya sa kanyang tinidor ang piraso ng luncheon meat. "Hindi mo pa rin siya makontact 'cous?" tanong ni Tessa at uminom ng creamed coffee. "Ako rin, sinubukan ko siyang kontakin pero out of reach rin." Panay tutok siya sa kanyang cellphone na naidulog na niya sa mesa sa paghihintay sa text o tawag ng ina. "Natawagan ko na ang lahat ng mga kakilala niya, pero wala, ano kaya ang nangyari sa kanya? Saan na kaya siya ngayon?" aburidong ibinagsak niya mu

