Iniligpit muli ni Blaise ang mga sulat sa trunk niya. Hindi niya gustong itapon ang mga ito. Masayang alaala 'yon mula sa kanyang kabataan. Naisip niyang tawagan ang pinsan na si Tessa. Ito ang magiging kasama niya sa PCU campus. Ang dahilan kung bakit gusto niya ring mag-aral sa nasabing universidad. Isa pa, maganda rin ang reputation ng paaralan. Kung kasama niya si Tessa ay hindi na siya maiilang kung ganun.
Ang ina nitong teacher na si Aunt Janny niya ay siyang gumabay sa kanyang pagsusulat sa donor nuong six years old pa lamang siya. Si Janny ay pinsan ni Philip at sila ni Tessa ay magsecond-degree cousins. Mas may kaya ang pamilya nito kaysa kanila. Wholesaler ng malaking biscuit company ang ama ni Tessa.
"Yes, nandito na ako!" sabay tili niya. Tila inilayo nito ang phone sa tainga dahil sa lakas ng tinig niya.
"Seriously, you got a new house?"
"Yup, ang ganda nga eh," kanyang sabi.
"Paano nangyari?"
Sinabi niya rito ang tungkol sa pagdalaw ng isang abogado sa kanila matapos ang kanyang eighteenth birthday."
"Congrats, sayo cous! Kung ganun, magkasama na talaga tayo rito?!" excited na wika nito.
Nuong nakatira pa ang pamilya ni Tessa sa Pangasinan ay napaclose nila, madalas silang maglalaro ng manika at bahay-bahayan nun, kaya masaya siyang magkasama rin sila muli.
"So, dadalawin mo ako rito sa bahay? Ibabake kita ng cake."
"Hmn, cake na maalat?"
Napahagikhik siya. Minsan na kasi siyang nagluto nuon ng chiffon, at aksidenting asin ang nailagay niya imbis na asukal.
"Oh gusto mo ako na lang ang dadalaw sa condo niyo?"
"Sira! Di mo pa kabisado ang Manila. Ako na lang ang dadalaw sa inyo but not now, medyo busy ako, alam mo na magpapasukan na, baka next week seguro."
"Okay, sabihin mo lang kailan ka pupunta rito at lutuan kita ng clams, sasabihin kung ipagbili ka ni Mama, I'm sure na miss mo 'to."
"Naman, ang sarap nga nyan."
"Lalagyan ko ng chocolate!"
"Precious God, don't you ever dare!" nagbababala ang boses nito.
Kapag magbigay kasi siya ng salita talagang gagawin pa rin niya. Nagpaalam siya sa conversation nila ni Tessa nang may narinig siyang bosena sa labas ng kanilang bagong bahay.
"End call na cous, may dumating."
"Magkita na lang tayo sa entrance ng PCU."
"Aasahan ko yan."
Napadungaw siya sa bintana. May isang maliit na dump trunk ang dumating. Nakita niya muli si Roy na bumaba sa sasakyan. Ang bilis namang makabalik nito. Bumaba rin ang ama nitong si Victor. Baka nagkatagpo lang ang dalawa dito sa Manila. She felt delighted. Nakita niya ang mga cages. Laman niyon ang mga alaga niyang mga bebe at mayron ring isang dwarf horse.
Patakbo siyang bumaba at dumako sa may pintuan.
"Dinala niyo!" masayang wika niya.
"Happy tranferring cous!" bati ni Roy at isa-isang binaba ang mga cage.
"Alam namin mas maging masaya ka sa paglilipat mo kapag nandito rin sila," wika ng Uncle Victor niya.
"Salamat talaga, Uncle Victor."
"Ang problema lang kung may paglalagyan ka sa kanila?"
"Oh, hintay lang muna."
Mabilis siyang tumakbo sa likod ng kanilang bahay. She may be in NCR. Pero natuwa siya nang natagpuan niyang mayron palang talahiban sa kanilang backyard at may mga punong kahoy. May espasyo pang natira. May puno pa ng mangga duon at dalawang langka. Hihingin lang niyang kay Nida na magpagawa ng pond para paglanguyan ng mga bebe niya. Humaruruot siyang bumalik sa tiyuhin.
"Oo, mayrong magpalagyan sa kanila!"
Agad niyang kinuha ang cage ng bebe. At mas lalo pa siyang natuwa sa pagkita sa agilang si Percy.
"Akala ko, iniwan niyo siya."
"Sa tingin namin, ikaw lang ang makapag-alaga sa kanya hanggang gumaling siya."
Nakita ang agila ni Victor ng minsan nangangahoy ito sa kagubatan sa kanilang nayon. Natagpuan nito ang agila na duguan. Natamaan ito ng mga bird hunters. Maliit pa lang ito. Dinala ito ni Victor sa bahay at siya na ang nag-aalaga rito hanggang ibinigay na iyon ng tiyuhin sa kanya. May sugat ito at unti-unti ng gumagaling. Ngayon ay mas masaya na sa paglipat at handa na siya sa bagong buhay niya.
Nuon pa man gusto-gusto na niyang mag-alaga ng mga hayop, biggest dream niya ang magkaroon ng zoo-park.
Dumating ang Lunes, ang araw na pinakahihintay ni Blaise. Ang simula ng kanyang klase. Sa pagbaba pa lang niya sa taxing sinakyan ay tanaw na niya agad ang estatwang simbolo ng campus. Pareha ang post ng estatwa sa Oblation ng UP, pero ang pinagkaiba ay may suot ito, para itong isang Greek philosopher. Ginaya niya ang positon ng tao sa munomento.
Kapansin-pansin agad ang tinginan ng mga tao sa kanya. Halata bang newcomer siya at isang probinsyana? Ayaw niyang maiilang kahit parang nililibak siya ng mga nakakasalubong niya. Nakasuot siya ngayon ng sleeveless na blouse at hampas tuhod na orange skirt. Umaalon-alon pa ang hampas-bewang na buhok niya na medyo may pagkafreezy. Well, wala siyang pakialam kung pagkakamalan man siyang isang bruha.
"Tessa!"
"Blaise?!"
Agad niya ring nakilala ang pinsan sa pagbaba ni Tessa sa Montero nito. Hindi pa rin nagbabago ang hitsura nito sa huling kita niya nuong dumalaw ito sa Isabela nung nagdaang Pasko. Maikli ang buhok na naka-errings ng malaki, mas matangkad ito kaysa kanya, at hinigitan pa lalo't nakasuot ito ng high heels. May sinabi muna ito sa driver bago tumungo sa kanya. Agad na nagyakapan silang dalawa. Her cousin was fragrant as always. Siya naman ay okay lang kahit hindi na maglalagay ng perfume.
"Wait a second, your shoes."
Napansin agad nito ang suot niyang doll shoes. Agaw pansin kasi dahil pininturahan niya ito. Nakasanayan na kasi niya na pintahan ang mga sapatos niya. Gaya ng sinuot niya ngayon, may pinta itong hugis mata sa harap.
"You haven't changed Blaise, you're still the weirdo girl that I know," wika ni Tessa.
Pagkatapos nun ay tinulungan na siya ng pinsan tungkol sa kanyang mga schedules at sa pasikot-sikot ng kanyang mga paaralan. Her class went well. Gaya rin dati sa pinasukan niya, mayron teacher na sobrang strikto, mayron ring mga mahilig makisama sa mga mag-aaral.
Nakakasalubong niya rin ang iba't-ibang uri ng mga estudyante, may mga studious, malakas ang mata ng mga bully at campus bitches sa kanya. Mayron ring mga lalaki ang nagpapakilala sa kanya.
Hindi sa pagmamayabang, she got the look. May pagkamestisahin siya at nakuha niya ito sa father side niya. Isang Amerikano ang ama ni Philip. Athough para sa kanya, hindi naman ibig sabihin porket ganun ay maganda na. Bilog ang kanyang mga mata at matangos ang kanyang ilong. Maganda rin ang curve ng kanyang labi. Gaya ng kumakain siya sa canteen, may isang estudyanteng lalaki ang lumapit sa kanya.
"Hi," wika nito. "Pwede bang umupo rito, wala na kasing bakante eh."
"Walang problema," kanyang sagot kahit napansin niyang may bakante pa naman na upuan sa ibang mesa.
"Canon Alvarado," wika nito.
"Blaise. Blaise Perceval," kanyang sagot habang abala nilalantakan ang inorder na spaghetti.
"Napakaganda ng pangalan mo, bagay sayo."
Sinusubukan yata siyang pormahan ng lalaking 'to. Pero para sa kanya hindi naman masama kung magiging friendly siya rito.
"New comer?"
Napatango siya.
"Sabi ko na nga eh, bago ang mukha mo. Ano bang course mo?"
"B. S Medicine in Veterinary."
Dahil sa pagkahilig niya sa mga hayop ay 'yon ang kinuha niyang kurso.
May lalaking dumating na parang kidlat na dumaan sa kanila at binatukan si Canon.
"Ay naku, style mo bulok 'tol," humarurot rin itong umalis.
"Enough, Klent," sita ng isang babae.
Kasama ito ni sa dalawang kasamang babae ni Tessa, mapayat ito at kapansin-pansin ang nunal sa kanang pisngi. Ang isa naman ay nakabrace ang ngipin at halata ang prickles sa mukha.
"Look, inunahan na pala tayo girls," wika ni Tessa at napaupo sa kanyang mesa ang tatlo.
"Siya ang sinabi ko sa inyong pinsan ko, meet Blaise Perceval," pagpapakilala ni Tessa.
"I'm Abby de Guzman," wika ng payatin ng babae.
"Angela Hilario," wika naman ng isang may brace ang ngipin at tumuro kay Canon. "Siya naman ang bestfriend ko."
"Ang cool talaga ng lahi niyo Tess, pinagpala sa lahat," wika ni Canon.
"Kaya ba dito ka agad umupo at nilalandi mo siya?!" tanong ni Angela.
"Ikaw naman! Anong nilalandi?!"
"Kilala na kaya kita."
"Pwede ba wag ako ang pagbuntunan ng init ng ulo mo?"
Napailing siya. Magbestfriend nga ba talaga ang dalawang 'to? Lumapit naman ang lalaking nangbatok kay Canon kanina.
"Hey, babe, hinanap kita, nandito ka lang pala," wika nito at umakbay kay Abby.
"Si Klent Aragon, boyfriend ko," wika ni Abby.
Mahinang nagcheer ng hiyaw ang group Humaba ang kanilang pag-uusap. Naging mapag-usisa pa ang magbarkada tungkol sa kanyang buhay. Hanggang nagpaalam sina Canon at Klent na magpractice ng basketball. Naiwan silang mga babae. Papaalis na sana sila ng may lumapit sa kanilang mesa ang isang lalaking estudyante.
"Excuse me miss, ikaw ba si Blaise Perceval?" wika nito.
"Oo siya nga?!" si Abby ang sumagot.
Inilagay ng lalaki sa mesa ang sulat. Nagtataka naman ang expresyon sa mukha ng kanyang mga kagrupo.
"What's that?"
Binuklat niya ang sulat.
Dear Blaise,
Someone told me that you're now in Manila. I'm here too. If you're free, then let's meet. I'll be at Shahura Restaurant this coming 5:00 PM, I hope you'll come.
Your friend from New York.
"So mayron ka na palang secret admirer, huh?" wika ni Angela.
Nagkatinginan silang dalawa ni Tessa.
"Letter mula sa donor ko nun."
"What?" nagkasabay pa ang tatlo.
"Nalala mo cous' ang nagyari sa akin nung pagkabata ko?"
Ikinwento niya sa tatlo ang naging mapait na karanasan niya ng kabataan niya at kung paano siya iniigtas ng misterious donor niyang iyon.
"Napakahorrible naman ang nangyari sayo girl!" wika ni Angela na nilalaro ang straw ng inorder na shake nito.
"Ang akala ko, kinalimutan na niya ako."
"Ay, naku, dapat ngang i-meet natin ang taong 'yon. Ano kaya siya, babae o lalaki?" wika naman ni Abby.
"Pano kung fraud ito at baka may masamang mangyari sayo Blaise?" pag-aalinlangan ni Tessa.
"Eh, di samahan natin siya." wika ni Abby at bumaling sa kanya.
"Di ba gusto mo rin siyang makita?"
"Oo, pero-"
"Eh di, puntahan natin, sasakay tayo kay Tessa!"
"What?" nabigla naman ang pinsan niya.
"Segi na Tess, Japanese restaurant kasi 'to at masarap ang pagkain ng mga Japanese."
"Sabi ko na ba eh, 'yon talaga ang sadya mo Abby," napailing naman si Angela.
"Fine, pero kailangan pagsapit ng 8: PM uuwi na ako, dahil pag hindi, papatayin ako ng Dad ko," sagot naman ni Tessa.
"Yes!" cheer ni Abby.
Hindi na rin makapaghintay si Blaise, kahit nakakabingi ang kaba sa kanyang dibdib ay sabik pa rin siyang makita ang kanyang donor. Ang taong naging dahilan sa kanyang pangalawang buhay, na minsan niyang pinangarap na makatagpo para mapasalamatan ito ng personal. Ngayon ay nangyayari na. Mas bumilis ang t***k ng kanyang puso habang nakasakay sa kotse ni Tessa at binaybay nila ang daan.
"Okay ka lang, Blaise?" tanong ni Tessa habang nagdradrive.
"Nervous ng konti," ang kanyang mga mata ay nakatingin pa rin sa labas.
"Well, relax lang, baka magdonate naman siya sayo kung ganun!" kantyaw ni Abby na nakaupo sa backseat.
Huminto sila sa sinabi nitong Japanese restaurant. Shahura ang pangalan. Sa hitsura pa lang nito ay halatang pangmayaman na. Tiled ang atip nito na may broad eaves kagaya ng mga traditional Japanese houses. Two story establishment ito. Step-up ang entreways at Tatami style flooring naman ang sahig.
"Wow ha, sa wakas makakain rin tayo sa isang mas sosyal na resto," ani ni Angela.
"Pero, sapat ba ang pera natin, para rito?" tanong ni Abby.
"Huwag kayong mag-alala, ako na ang sasagot," wika ni Tessa sa pagbaba.
"Fine, share-share na tayo " wika ni Abby.
"Wag nating alalahanin si Blaise, tiyak na libre na siya ng donor s***h blind date niya," wika ni Angela. "Sisigaw talaga ako pag pogi siya, promise."
"Matanda na 'yon, walang bata na mayaman na magbigay ng ganun kalaking pera," sabad naman ni Abby.
Isang grupo ng magagandang waitress na nakaKimono ang sumalubong sa kanila at yumuko pa ito para i-welcome sila. Bumalandra rin sa kanila ang isang alcove sa kanilang pagpasok.
"Reservation, ma'am?" tanong ng isa.
"No, may seat pa naman di ba?" tanong ni Tessa.
"Sure, mayron pa po," sagot nito.
Itinuro sila nito sa bakanteng seat. Maganda ang buong paligid. Presko at optimal ang dating dahil sa dami ng ornamental plants na inilagay sa loob. Kulay white motif ang restaurant at inilawan ng mga nakasabit na mga white Japanese lanterns. Ang mesa rin naman ay nilagyan ng mga ikebana.
Bagay ang lugar sa mga romantic date. Napatingin siya sa kanyang suot. Hindi niya maiwasan na maging concious sa kanyang pananamit. Parang hindi bagay, pero mukhang desinte pa rin naman siya tingnan kaya ayos pa rin. Hinaplos niya ang kanyang buhok para mawala ang buhaghag. Nakaupo na ang kanyang mga kasama, siya naman ay nakatayo pa rin. May sampung costumer lang ang nanduon at hinanap niya ang posibleng donor niya. Kung bakit ba kasi hindi na ito nagsabi ng pangalan.
Nagtama ang tingin niya sa isang may-edad na Amerikanong custumer pero wala naman itong reaksyon. Napansin niya ang isang lalaki sa kaliwa niya, hindi na mawala ang tingin nito sa kanya, nasa forty na ito. Bumulong ito sa nakatalikod na lalaking kasama. Malamang ito na nga. Lumapit siya dito. Napatigil siya sa kinatayuan ng lumingon sa kanya ang nakatalikod na kasama nito. Matamis itong ngumiti sa pagkakita sa kanya.
Ngayon pa siya nakakita ng ganung kagwapong lalaki sa buhay niya na nagpahinto sa kanyang mundo. He had a pointed face and was tall. Seguro lagpas six feet ang height nito. May pagkasingkit ang mga mata pero mukhang mestisong pa rin. Matangos ang ilong and ang lips ay swabeng nagpart ng ngiti bilang pambati sa kanyang pagdating. Classy itong tingnan sa suot na black long-sleeve polo pares rin ang black na pantalon. His long hair was slightly fix with gel. He looks masculine without even trying hard. Hindi rin nakakatakot ito kung lapitan. Mayron kasing iba na padangerous look daw pero ang totoo bading pala.
Mukhang pamilyar sa kanya ang mukhang nito, hindi lang niya matandaan kung saan niya nakatagpo ito. Sa tantiya niya ay hindi lang magkalayo ang agwat ng edad nilang dalawa.
"Are you Blaise Perceval?"
"A-ako nga," ang garagal niyang sagot.
"Ako si Dylan Reivas. I was your donor," sabay abot ng kamay nito sa kanya.