"Sana hindi ka na pumunta ruon!" wika ni Aling Nida. Malakas na ibinagsak nito ang pinto sa kanilang pagpasok sa sala sa kanilang pagdating. "Nay, masyado ka lang napapraning, kaya ko naman silang harapin," wika niya. "Hindi natin alam kung ano ang kaya nilang gawin. Eh, kung mas ipahiya ka nila run?!" singhal nito. "Mabuti na lang at natawagan ko si Tessa, aksidente niyang sinabi na special guest nila ang mga gahamang yon." "Hindi naman sila gagawa ng eskandalo dahil tiyak, mas malaki ang magiging impact sa kanila kaysa sa akin." "Aba, hindi natin alam. Ayaw ko lang na mapahanmak ka dahil sa kanila. Malaki ang galit sa atin ng pamilyang 'yon dahil sa sarili nilang kagagawan! Kahit umasta pang mga anghel ang mga taong yon, tiyak lilitaw pa rin ang pagiging demonyo ng mga yan! ang mabi

