Kabanata 2 - Anthony's POV

1156 Words
"Ma,payagan mo na po akong pumunta sa acienda", ang pacute na pagsusumamo ni Anthony sa kanyang Mama. "Ano naman ang gagawin mo doon,aber?" ang sabi kanya ni Donya Conchita. " Magpaalam ka sa Papa mo,kapag pumayag siya payag na rin ako." "Ma,naman eh " pagmamaktol ni Anthony ,alam nya ksi na hindi rin sya papayagan ng kanyang ama na si Don Alejandro. "Ma,may usapan kasi kami nila Drew,kakain kami ng buko doon. Pero ang totoo,pupunta siya sa kabilang baryo dahil gusto niyang makita si Analyn. "Ang alam ko namamasyal siya ngayon sa kanilang hardin kaya aabanagan ko siya at yayain sa gubat at maligo kami sa sapa." Nakatulala siya ng iniisip niya iyong dahil nakikita niya ang mukha ng kanyang nobya. Pero hindi pa ito alam ng kanyang mga magulang dahil daw bata pa siya. Napansin naman ni Donya Conchita na tumahimik ang kanyang anak kaya pumayag na rin siya at sinabihan itong bumalik agad bago umuwi ang kanyang ama. "Thanks,Mama." "I love you". "Mangangabayo na lang po ako para mas madali ako makabalik." wika pa rin ni Anthony sa kanyang ina Tumango na lamang ito at sinabihan siyang mag-ingat. Dali- daling umakyat si Anthony sa kanyang kauarto at nagpalit ng kanyang damit. Pagbaba niya nakasuot na siya ng Cowboy hot,maong pants, puting t-shirt at pinatungan maong jacket. Talo pa niya si Richard Gomez sa kanyang itsura. Agad kong kinuha ang aking kabayo sa kuadra at sinabihan ang tagapag - alaga nito na ihanda ang aking kabayo para sa aking pag-alis. Ako nga pala si Anthony Villano Sanson, nag-iisang anak nina Don Alejandro Sanson at Donya Cecilia Villano. Third year highschool ako ng magkakilala kami ni Analyn. Pinatransfer ako noon ni Papa sa eskwelahan nila dahil sa kapilyuhan ko. Una ko siyang napansin noong bago palang ako sa Eucharistic King Academy. Di naman sa pagmamayabang pero nagtitilian ang mga babae at mga bakla pagnakikita nila ako. Magkasama sila noon ng pinsan niya si Susan. Napansin kung siya lang ang bukod tanging walang pakialam kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga nasa paligid niya. Napakacute niya at hindi na siya nawala sa isip ko mula noon. Isang araw, naglakas loob akong lumapit sa kanila ni Susan. Syempre abot tainga ang ngiti ni Susan sa akin pero si Analyn sa malayo nakatingin. Kung di siya siniko ni Susan di pa siya tumingin sa ako. "Ah, ano yon?", tanong niya kay Susan. "Sabi ko si Anthony , nakikipagkilala sa atin", sagot nito sa kanya. Inabot ko ang kamay ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin kaya pinasok ko na lamang ito sa aking bulsa. Mula noon, kahit naiinis siya sa akin lagi na akong sumasabay sa kanila kapag recess time sa canteen. "Andito ka na naman , baka mamaya makarinig na naman kami ng mga nakakainis na salita mga sa chicks mo", sabi sa akin ni Analyn. "Wala akong nobya kaya wala silang pakialam kung sino ang sasamahan ko", sagot ko sa kanila. Pagsapit namin ng 4th year high school naging magkaklase na kami. Syempre naging magclose na kaming tatlo dahil ako ang taga-gawa nila ng assignment sa math. Kapag may group project sinasadya kung kami ang magkagroup para lang makasama ko siya lagi. Minsan may project kami sa science at need namin gawin ng weekend kaya pumunta ako sa mansyon nila. Pinapasok naman ako ng kanilang kasambahay ng sinabi ko na classmate ako nina Analyn at Susan. "Umupo ka muna, tawagin ko lang sina Senorita Analyn at Susan", ang sabi niya sa akin. "Ako nga pala si Manang Loring, hintayin mo sila dito ha," dugtong pa niya. "Opo", sagot ko naman kay Manang. Maya - maya ay kaharap ko na silang dalawa. "Dala mo ba ang mga materials natin, Tony?", tanong sa akin ni Analyn. Ngumiti lang ako sa kanya."Syempre, ako pa", sagot ko sa kanya. Halos tatlong oras naming ginawa ang aming science project habang may kasamang kwentuhan at meryenda. Mag-alas singko na ng dumating ang kanyang mga magulang kaya pinakilala ako nito sa kanila. Pag-uwi ko sa bahay sinabihan agad ako ni Nanay Melba na sumunod na sa komedor dahil andoon na raw sina Papa at Mama para sa hapunan. "Magandang gabi, Mama at Papa, nandito na po ako." , sabay halik sa pingi nilang dalawa. "Maupo ka na iho, kain na tayo". "Opo, Mama". "Saan ka galing Anthony?, tanong sa akin ni Papa. "Kina Analyn po, classmate ko. Gumawa po kasi kami ng project namin sa science", ang sagot sa kanya. Habang kami ay kumakain, tinanong ako ni Papa kung sino ang mga magulang ni Analyn at kung taga-saan sila. Alam kung kahit magkaiba kami ng bayan ay kilala nila ito sapagkat halos pareho lang negosyo ng pamilya namin noon. Sinabi ko sa kanila na sina Don Amancio at Donya Cecilia Villareal ang mga magulang. Biglang tumahik sila dalawa na para bang may narinig silang di maganda. "Ma , Pa, may nasabi ba akong mali?", tanong ko sa kanila. "Ah eh, magpahinga ka na pagkatapos kumain, aakyat ng kami ng Papa mo", wika ni Mama sa akin. Wari ko ay mayroon silang tinatago sa akin. Hindi ako mapakali pero hindi ko naman sila pwede pilitin kung bakit at ano iyon. Tinawagan ko si Analyn ng gabing iyon katulad ng lagi namin ginagawa na nagtetelibabad kami pero ang sabi ni Mang Loring tulog na raw siya kaya hindi ko na pinagising. Kinabukasan, maaga pa ang pasok namin kaya nagmamadali akong makaabot sa flag ceremony. Binati ko sina Analyn at Susan pero parang hindi nila ako nakikita at naririnig. Pagdating sa classroom di na rin sila tumabi sa akin. Pagdating ng recess , nagmamadali rin sila lumabas papuntang canteen. Hindi na ako nakatiis kaya tinanong ko na sila."Bakit pakiramdam ko, iniiwasan ninyo ako?', tanong ko sa kanila. "Itanong mo kaya sa magulang mo kung bakit pinagbabawalan kami nina Tito Amancio at Tita Cecilia na makipagkaibigan sa iyo", sagot sa akin ni Susan. "Ano? Ano ang kinalaman ng magulang ko dito?"tanong ko sa kanila. Pero hindi sila kumibo, may sasabihin pa sana ako pero bigla silang tumayo at umalis na walang paalam. Hindi na ako mapakali kaya umuwi ako during lunch break. "Mama, iniiwasan na ako nina Analyn sa school kaya pwede po bang sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit", pagmamakaawa ko sa Mama ko. "Iho di ko rin alam ang totoong dahilan pero, noong buhay pa ang Lolo mo lagi niyang sinasabi na muntik na daw siyang mapatay ng matalik niyang kaibigan kaya naging mahigpit niya itong kaaway. Mahigpit niyang bilin sa Papa mo na huwag kang ipakilala sa kahit sinong kapamilya niya," dugtong pa ni Mama. Kaya anak, kung ako sa iyo iwasan mo na kung anuman ang kaugnayan mo sa kanila. Last year mo naman ngayon sa school na iyon kaya sinabihan ko na ang Papa mo na tapusin mo na lang doon ang high school mo. Tumango na lang ako sa bilin sa akin ni Mama. Pero pakiramdam dinudurog ang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD