"Magandang umaga po Tito Amancho", ang bati ni Susan sa kanyang Tiyo Amancho Si Susan ay pinsan ni Analyn, halos magkasing edad lang sila ni Analyn. "Tito, gising na po ba si Analyn , gagawa po kasi kami ng project", tanong ni Susan kay Don Amancio. "Sandali iha, ipapatawag ko kay Manang Loreta" tugon sa kanya ng Don.
Maya-maya ay bumaba na rin si Analyn pagkatawag sa kanya ni Manang Loreta. "Hello Su, akala ko mamayang hapon pa tayo gagawa ng project", bungad ni Analyn kay Susan. "Excited kasi ako sa kwento", sagot sa kanya ni Susan. "Sinagot mo na ba si Anthony? tanong ni Susan sa kanya. "Hinaan mo lang boses mo, baka may makarinig sa iyo, segurado makakarating agad kay Papa", puna naman niya sa kanyang pinsan.
Halos nagbubulungan lang silang dalawa habang nagkukwentuhan. "Hindi ko pwedeng sagutin si Anthony, dapat nga hindi ko siya pinagbigyan na ligawan ako, in the first place." "Bakit di naman pwede, alam kong mahal mo na siya eh," ang sabi sa kanya ni Susan. "Alam mo naman na kalaban ang pamilya niya ng pamilya natin", ang sagot ni Analyn kay Susan. " Paano yan pinsan, paano nga pala kung malaman nila Tito at Tita, lagot ka." " Kaya nga , iniiwasan ko na si Anthony, sinabihan ko na siya na huwag na siyang tumawag o kahit ano pa man at huwag na rin siyang magpakita."
Lingid sa kaalaman ng kanyang pinsan na si Susan na nadadate sila ni Anthony. Ayaw niyang malaman ito ng pinsan baka magsumbong ito sa kanyang ama. Dito lang sa bayan nila nag-aaral ng college kaya hindi niya alam ang ibang gawain niya sa City I. Pero hindi pa iya ito sinasagot dahil mas iniisip niya ang kapakanan nilang dalawa. Ngunit hindi na rin niya natiis si Anthony, ang nag-iisang lalaki na nagpatibok ng kanyang puso simula pa noong sila ay nasa high school pa lamang. Actually, after graduation namin sa college sinagot ko na siya.
After 5 years later ...
Halos limang taon pagkatapos mamatay ng Mama ni Analyn silang dalawa ng Papa niya ang magkasama. Sa mga taon na iyon itinuro ng Papa niya ang kalakaran sa kanilang negosyo. Pagmamay - ari ni Ang Sta. Ana Shipping Lines na kasalukuyang bumabiyahe sa buong Asia, isa itong passenger vessel na may kasamang kargamento.
Ng mga panahon na iyon hanggang pumasok ang 2020's malakas ang kita ng shipping company nila lalo na't mabait siya sa kanyang mga tauhan. Kahit alam na ni Analyn kalakaran ng kanilang negosyo,mayroon pa rin pala siyang di alam dito. Minsang umuwi siya sa kanilang mansiyon mayroon siyang naabutang kausap ang kanyang Papa.
"Anak, mabuti nakauwi ka na", bati sa kanya ng kanyang Papa. "Magandang gabi ,Papa, mayroon ka po palang bisita." " Oo, anak. "Ito nga pala aking kumpadre,si Don Tiburcio San Jose taga kabilang probinsya sila. Kasama niya ang kanyang binata na anak si Miguel"., pakilala sa kanya ng kanyang Papa sa mga panauhin nito. " Magandang gabi ho sin inyo Don Tiburcio at Miguel", bati niya sa kanilang mag-ama.
"Magandang gabi din sa iyo iha. Aba, panyero napakaganda pala ng dalaga mo", usal ni Don Tiburcio sa kanya. Si Miguel naman ang nakalahad ang kamay sa dalaga." Nice meeting you Miss Villareal", I finally found you." " And what do you mean by Mr. Miguel San Jose", mataray nyang turan dito.
"Iha, matagal na kitang kinikwento sa kanila, kaya kilala ka na nila", turan sa kanya ng kanyang ama ,"Pa , bakit naman po?" , lambing niya dito. " Iha, matagal ko na silang kasama sa ating mga negosyo", panimula ng kanyang ama. " Mula ng mamatay ang Mama mo, naging nakahirap para sa akin ang lahat. Hindi ko na naasikaso ang ating mga negosyo noon hanggang di ko namalayan ninanakawan na pala tayo." " Si Jack Ceres, ang aking assistant sinamantala niya ang power of attorney na binigay ko sa kanya.Huli na ng mapansin ko na halos di ko na nababayan ang mga tauhan natin kung di pa nagsumbong ang isa sa mga loyal kung empleyado. Nang panahon na iyon nakilala ko si Don Tiburcio, inalok niya ako na magsosyo daw kami para makabangon ang negosyo ko."
"Anak, nasa college ka pa lang noon , ayaw kung tumigil ka sa iyong pag-aaral kaya di ko sinabi sa iyo ang mga problema ko.
"Pa, bakit di mo sinabi sa akin? kahit nasa harap siya ng kanilang bisita ay di niya napigilan ang mga luhang dumulas sa kanyang pisngi." Kung alam ko lang sana nakatulong manlang ako sa inyo kahit papano." " Anak kaya nandito sila ngayong gabi dahil sa aming kasunduan." Ano pong kasunduan iyon", sagot niya sa kanyang ama." Ang ipakasal kayong dalawa". Dahil sa gulat tumakbo sa itaas si Analyn, hindi na niya pinatapos ang mga sasabihin ng kanyang ama sa kanya.
Akma siyang sundan ni Don Amacio pero pinigilan siya ni Miguel."Tito, seguro huwag muna nating pilitin si Ann ngayon, hayaan mo munang makilala namin ang isa't isa." "Oo nga naman , panyero" sabat naman ni Don Tiburcio. Uwi na muna kami.
Samantala si Analyn naman ay napigilan ang emosyon , sumubsub siya sa kanyang kama na iyak ng iyak. Hindi niya sinasabi sa kanyang ama na may boyfriend na siya. Nakatulugan na niya ang labis ng pag-alala. Kinabukasan, pagkagising ko ay hindi ko na naabutan si Papa. Ang sabi ni Manang Loring maaga daw itong umalis. Nag-almusal na rin ako at naghanda ng sarili ko.
Analyn POV
Pagdating ko sa opisina , nagbungad sa mesa ko ang mga papeles na kailangan kung pirmahan. Naayos na ito ng aking sekretarya pero kailangan basahin ko pa rin isa-isa. Ayaw mong may makaligtas na loopholes sa mga transaction na hinahawakan ko. Nalibang naman ang aking isipan kaya nawala ang isip ko sa mga pangyayari kagabi. Pagkatapos ng trabaho ko sa opisina maghapon, umuwi na rin agad ako. Nais ko sana makausap si Papa pero wala pa daw ito sabi ni Manang Loring. Hinayaan ko na lang siyang alagaan ang mga kabayo niya sa rancho para malibang siya.