ARIANNE “Kumakain ka ba nito?” Napaigtad ako at dumako ang aking tingin sa tinuro ni Iggy. It was a hard-boiled quail egg covered with orange batter and I’m sure it was called kwek-kwek. Tumango lang ako sa tanong niya at inilibot ang aking tingin. Mabuti na lang at pinagsout ako ni Iggy ng sunglasses para itago ang mukha ko. Pero hindi ko pa rin maitago ang takot na maaaring makilala nila ako at pagkaisahan. Muli akong napatitig sa kawalan nang maalala ko na naman ang text messages ni Leo. He sent me a three words message that makes me feel the sudden curiosity. Leo hated me to death, he even accused me of attempting to kill him. Kaya bakit naman niya ako ite-text ng ganoon? O baka hindi naman siya iyon? "Arianne? Are you okay?" Muling dumako ang mata ko kay Iggy na bakas ang pagt

