ARIANNE Dalawang araw na ang lumipas simula nang magkita kami ni Leo sa bayan at tama nga ako dahil kahit hanggang ngayon ay ako pa rin ang topic sa social media o kahit sa mga showbiz news sa TV. Ngayon ay alam na ng boung mundo kung saan ako nagtatago at paniguradong gumagawa na ng paraan si Leo para palabasin ako sa lungga ko. Or worst, he’ll use his money to forcefully get me from here. Mabuti na lang at hindi masyadong gumagamit ng cellphone ang mga tao dito sa rancho kaya hindi nila alam ang nangyayari sa social media. This place is pretty outdated and that is what I thanked for. But of course, Iggy is the only exception. Alam niya ang nangyayari sa social media at alam niya kung anong klaseng panghuhusga ang natatanggap ko araw-araw. Huminga ako nang malalim at naglakad papunta k

