ARIANNE TININGALA ko ang orasan sa taas ng pinto ng aking kwarto at napangiwi nang makitang alas-onse na ng gabi at hindi pa umuuwi si Iggy. Kasama nito si Chad na umalis kaninang umaga at hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Huminga ako nang malalim at nagpasyang lumabas para doon siya hintayin. I need to tell him that there’s nothing between me and Hector. “Saan ka pupunta?” tanong ni Manang Lupe na galing ng kusina at may dalang baso ng gatas. “Sa labas lang. I’ll wait for Iggy,” I answered and about to walk away when I heard her murmuring something. “Malandi talaga,” bulong niya, "feeling asawa." I stopped and looked back. "Ano?" Napahinto siya at inirapan lang ako. Pero dahil hindi rin maganda ang mood ko ay mukang mapapalaban ako ngayon. Bukod kasi sa hindi pa ako nakakain ng

