ARIANNE Kakagising ko lang at tulad ng mga nakaraang umaga ay puro tilaok ng manok ang gumigising sa akin. Matapos kong gawin ang aking morning routine ay bumaba na ako ng kwarto at dumiretso ako sa kusina. Naabutan ko si Nanay Lupe na nagluluto ng umagahan. “Nay, nasaan po si Iggy?” Napaigtad siya sa tanong ko at sinulyapan lang ako saka muling itinuon ang pansin sa pagluluto. Hindi niya pinansin ang tanong ko at alam ko ang dahilan niyon ay ang kaniyang napanood sa telebisyon. Hindi ko rin naman siya masisi dahil may mga taong madali kang huhusgahan. Tumango na lang ako at akmang tatalikod nang magsalita siya. “Umalis si Iggy, baka mamayang hapon pa iyon bumalik.” Ang kaniyang boses ay hindi malumanay kundi parang galit. “Saan po siya pumunta?” “Hindi ko alam, Arianne,” aniya at

