HINDI ako kinakausap ni Maxine habang nasa byahe. Sa kanyang kotse kami sumakay dahil inutusan ko sina Vito at Samuel na hanapin ang kinaroroonan ng kapatid ko sa lalong madaling panahon. Ayokong may masama pang mangyari rito. Napahawak ako sa balikat ko nang kumirot ito. Itiningala ko ang ulo ko at inabala ang sarili sa paggawa ng panibagong plano at kung anong mga dapat kong sabihin kay Maxine. “Does it hurt?” Napamulat ako sa aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Maxine. Isang tipid na ngiti ang lumapat sa aking labi nang makita ko siya sa tabi ko. I thought I would never hear her voice again. “I’m fine. It won’t kill me—ouch!” Humalakhak ako nang maramdaman ko ang sakit dahil sa pagpisil ni Maxine sa sugat ko. Masama niya akong tiningnan pero ngumisi lang ako. “Dapat lang

