MAXINE Nang malaman namin ang balita tungkol sa nangyari sa kapatid ni Mattheus, mabilis akong nagpunta sa ospital kung nasaan sila. “Where’s Mattheus?” Sinalubong ako ng mga kapatid ko at agad kong tinanong ang kinaroroonan ng asawa ko. Itinuro nila kung saan ko matatagpuan si Mattheus. Gusto ko sanang itanong sa kanila kung totoo ba, pero ayoko ring marinig. Gusto kong isipin na baka mali lamang ang ibinalita nila sa amin kanina nang tumawag sila. Napatigil ako nang makita ko si Mattheus na nakaupo sa isang bench. Nakayuko siya at tila malalim ang iniisip. Hindi ko masabi kung anong ekspresyon ang mayroon ang mukha niya ngayon dahil hindi ko pa ito nakikita. “Mattheus…” Kumibo siya nang kaunti pero hindi niya itinunghay ang ulo niya. Nanatili siyang nakayuko. Nagdesisyon na akong

