CHAPTER 27 LUCIENNE'S POV Ramdam ko ang mga matang nakatutok sa akin pero pilit kong inignora iyon at sa halip ay nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Kailangan ko na kasing tapusin ito para hindi na maging problema pa sa susunod na mga araw. Pero bakit ang hirap? Sanay naman ako na nakatapat sa laptop para magsulat pero for some reason nahihirapan akong magbasa gamit iyon. Pakiramdam ko nahihilo na ako sa pagkaduling lalo pa at ang dami kong mali na nakikita. I felt the stare pointed at me got heavy as if more are joining to look at me. Naniningkit ang mga mata na nilingon ko ang pintuan ng kuwarto na kinaroroonan ko. My fingers halted from moving fast across my keyboard, "What?" Nagkaniya-kaniya nang iwas ng tingin ang mga kapatid ni Thorn at para bang naging abala sila bigla sa hawak ni

