CHAPTER 24 THORN'S POV "We can't use her as bait." Nag-angat ako ng tingin mula sa binabasa ko na files nang marinig ko ang galit sa boses ni Nate. Hindi ko siya masisisi dahil kahit maging ako ay automatiko ang reaksyon sa naging mungkahi ng isa sa mga kasamahan ng lalaki sa pulisya. "Iyon ang pinakamadaling paraan-" "No." Natigilan ang pulis na sa pagkakatanda ko ay Mark ang pangalan. Hindi lingid sa kaniya ang talim ng tingin na ipinupukol ko sa kaniya at ang pagbabanta sa tono ng boses ko. "We're not going to risk Lucienne's safety." If my anger is evident to him, apparently he's too stubborn and he decided to ignore it. "Hindi rin siya ligtas kung mananatiling hindi mahuhuli ang killer." "That's why we are looking for another way. Not the easy way." Sa pagkakataon na ito ay hi

