Chapter 17 Mariposa's POV BUONG araw akong naglinis ng kwarto nina kuya Vik at ate Div. Wala kasi sila ngayon may pinuntahan, at sa pagkakaalam ko pinasyal lang ni kuya si ate sa manila bay. Ang sweet naman. Subalit wala nang mas hihigit pa sa kalambingan ni Duke. Para sa akin, siya ang mas malambing sa lahat. After two weeks, we act normal. Parang wala lang, tamang tiningan at hindi rin maaalis sa kanya ang pang aasar sa akin. Napipikon rin ako minsan, pero iniisip ko nalang na, paraan niya iyon upang magkausap kaming dalawa. May mga oras rin na nakakausap niya ako ng solo at nakaka-halik, yakap siya ng libre. Maingat ako, at ganun din siya. Gustuhin niya mang sabihin sa lahat, ay hindi ako pumapayag. Naging malungkot iyon sa kanya, pero binibigyan ko rin siya ng panibagong paglalambi

