Chapter 7 Mariposa's POV Isang minuto ang lumipas. Sa minuto na iyon ay halos na pepe ako dahil sa ginawa niya. Ang galawang Alcantara na ito ag nakaka-ilan na sa akin. Basta nalang siya umalis matapos niyang gawin iyon sa akin, at saka pumihit sa driver's seat. Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang magtama ang mga mata namin sa rear mirror. Iba ang ngiti niya. Ngiting tagumpay. "Dadaan pa ba tayo ng hospital?" sabi niya nang buhayin ang makina ng kotse. "Hindi na. Rekta nalang sa bahay." Sagot ko na 'di man lang siya nagawang tingnan. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa huli. Nagsimulang umandar ang sasakyan. Naisip kong matulog nalang muna habang nasa byahe nang sa ganun ay makabawi rin sa ginawang paghalik ni Duke. Nakaka-panghina pala ng sistema iyon, lalo na't ramdam na ramdam

