Clouds were dark blue at the east side while clouds at west were orange. The sun is setting and I feel like I don't want it to end. Someone is sitting beside me but I don't know who he is. I can see on my peripheral vision that he is also watching the sun set with me.
"Skye..."
I looked at him and I saw his side profile but I still can't recognize him.
"Why does the sun have to set? Why do the skies have to be black at night?" he asked softly while the clouds were slowly moving.
"It is because all things end. I think our story ends here."
"Skye..." nagising ang diwa ko dahil sa mahinang tawag sa akin ni Tita Meng. So, it is just a dream, "Kanina pa kita ginigising pero mukhang malalim ang tulog mo."
Bumangon na ako at dumiretso na sa hapag kainan dahil sabi ni Tita na mayroon na raw nakahandang pagkain para sa amin dalawa ni Kendrick. Wala pa rin akong ideya kung bakit kailangan namin pumunta roon. Ni-hindi ko man lang alam kung ligtas ba kami roon dahil noong nakita ko si Ate Gwyneth, mukhang madami pa akong kailangan malaman.
"Tita, nasaan na po si Kendrick?" hindi pa bumababa si Kendrick kaya napatanong ako kung bakit wala pa siya.
Nasa harapan ko lang si Tita Meng, kumakain na rin siya para hindi na siya kakain mamaya dahil ihahatid niya pa kami sa labas.
"Actually, ngayon ko lang sinabi sa kaniya na aalis kayo. Nagliligpit pa lang siya ng gamit na dadalhin niya ngayon," aniya.
"...Nakapag-impake ka na ba, Skye?"
"Opo, ayos na po ako sa mga dadalhin ko."
Nang matapos na ako kumain, nakita ko si Kendrick na pababa pa lang. Ningitian ko siya at ningitian niya naman ako pabalik. Parang wala akong nakikitang nerbyos o lungkot sa kaniyang mukha. Napatingin ako sa ikatlong palapag at napaisip kung kailan magiging okay ang lahat.
Nagulat ako dahil nakita kong gising na si Anne mula sa malayo. Tumakbo siya at nagtago sa akin, "Anne, bakit ang aga mo naman magising?" mahinang tanong ko dahil marami pa ang natutulog sa kwarto.
"Pasensya na po Ate Skye, narnig ko po kasi yung usapan niyo kahapon ni Tita Meng. Saan po ba kayo pupunta?"
Hindi ko alam kung kaya ko bang iwanan sila lahat dito. Nakakalungkot isipin na hindi ko na sila makikita. May kailangan pa rin akong malaman tungkol doon sa ikatlong palapag kung saan ko nakita ang iba pang mga bata.
"Sabi raw ni Tita Meng na mag-aaral daw kami ni Kendrick sa ibang lugar kahit na hindi pa kami 18 years old," sabi ko sa kaniya at pinantayan ko ang tangkad niya para magkaintindihan kami.
"Ilang buwan po ang 18 years old dito sa atin?" tanong niya habang nakatingala sa akin.
"216 months iyonang ibig sabihin niyon sa atin," sagot ko sa katanungan niya.
Nang marinig ko na may paparating na tao, tumayo ako kaagad at nagsimulang maglakad patungo sa kwarto ko na parang walang nagyari. Nagtago naman si Anne sa gilid. Lumingon ako at nakita ko si Kendrick na papunta rin sa direksyon ko.
"Sinong kausap mo kanina?" he asked. Nauuna ako maglakad kaya hindi nakikita ang gulat kong ekspresyon.
"Baka naman guni-guni mo lang iyon. Wala naman akong kausap kanina," iyon na lang ang sinabi ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko dapat sabihin sa kaniya na nag-usap kami ni Anne kanina. I feel like she should have not known about this like everyone else.
Hindi niya naman ako tinanungan pa pero sa tingin ko ay alam niya na may kausap ako kanina dahil medyo nagtagal ako sa pasilyong iyon. Nag-iba na kami ng direksyon ni Kendrick dahil magkaiba ang silid namin.
Naligo na ako at nag-ayos na para makaalis na kami bago sumikat ng araw dahil sabi rin ni Tita Meng na hindi raw dapat nila malaman ang tungkol sa pag-alis namin. Nakakapagtaka lang dahil wala nang tutulong kay Tita Meng na magbantay ng ibang bata sa ikatlong palapag.
"Skye, tapos ka na ba magbihis?"
Sinusuklayan ko na ang aking basang buhok gamit ang suklay na binigay sa akin ni Ate Gwyneth. Pangako ko sa kaniya na babalik ako roon at aalamin kung ano ang mayroon tungkol doon dahil hindi ko dapat siya iwanan. Kahit na iba na ang kaniyang apilyedo, kapatid pa rin ang turing ko sa kaniya.
"Sandali lang po, Tita Meng. Malapit na po ako matapos!" sabi ko.
"Sige, hihintayin ko kayo roon sa sala. Pakibilisan dahil malapit na ang pagsikat ng araw."
Hindi ko na siya sinagot dahil narinig ko na umalis na agad siya sa tapat ng pinto. Kinuha ko na ang gamit ko at nagsimula nang maglakad sa mahabang pasilyo. Nakita ko rin sa kabilang pasilyo na tapos na si Kendrick mag-ayos pero mukhang hindi pa siya nakakasuklay.
"Pwede ba akong makahiram ng suklay mo? Nawawala kasi yung akin eh."
Binigay ko sa kaniya ang suklay na galing kay Ate Gwyneth dahil iyon lang naman ang meron ako. Kamay lang ang gamit ko sa pagsusuklay dati dahil wala naman akong suklay. Hindi ko alam kung saan niya iyon nakuha o kung sino man ang nagbigay sa kaniya niyon.
"Tara na, malapit na sumikat ang araw," sabi ni Tita Meng nang makarating na kami ni Kendrick sa sala.
Mahaba ang nilakad na papunta sa sakayan. Kasing haba iyon ng nilakad namin nila Dominic dati papunta sa siyudad. Medyo maliwanag na rin kaya hindi naman kami nahirapan maglakad.
Nang makita na namin ang aming sasakyan, pumasok na agad si Kendrick. Maglalakad na sana ako patungo roon pero hinawakan ni Tita Meng ang kamay ko.
"I know you can do it, Skye. Make a change," iyon ang huli niyang sinabi. Ngumit ako sa kaniya at binitawan na niya ang kamay ko kaya sumakay na ako roon.
Habang umaandar ang tren, nakatingin ako sa kanan kung saan sumisikat ang araw. May mga matataas na puno na humaharang sa sikat ng araw kaya hindi ako nasisilaw.
"Bye Anne, I'll be back. I promise," tinignan ko ang direksyon papunta sa bahay ampunan at iyon ang huli kong salita bago mag-iba ng direksyon ang tren.
##########