"Is it the end for us?" ••••• "Doc. I, coffee?" itinaas ni Zarah ang plastic cup na hawak niya at ipinakita sa akin. Umiling ako at ngumiti lang sa kanya. Ngumiti rin siya sa akin at ipinagpatuloy na ang pag-inom ng kanyang kape. It's our lunch break kaya walang pasyente. Nakatunganga ako sa harap ni Zarah habang siya naman ay tahimik na sumisimsim sa kape niya. I fished for my phone inside my bag. Nang makapa ko iyon ay agad ko itong kinuha at tinignan kung may text ba si Shawn. One text from him, napangiti ako at agad iyong binuksan. Love: Eat. I sighed. Ano bang nangyayari sa asawa ko? Noong mga nakaraang araw ay okay pa naman siya. Pero ngayon, parang may kakaiba... At hindi ko alam kung ano 'yon. Pero gusto kong malaman, gusto kong malaman kung ano bang nangyayari. Kung may p

