“Inori, can I talk to you?” ****** Hinintay kong makatayo si Miranda sa kinauupuan niya at sinundan siya palabas ng coffee shop. Sinenyasan ko naman si Marga na sumunod lang sa akin. I smirked. Pabalik na si Miranda sa clinic niya. Tumingin ako sa wrist watch ko at nakitang oras ng breaktime pala niya kanina kaya nasa coffee shop siya. Patuloy lang akong nakasunod sa kanya habang si Marga naman ay nakasunod din sa akin. Medyo malayo ang agwat namin para kung lumingon man si Miranda, ay hindi siya makakahalata. Nang huminto si Miranda sa paglalakad ay mabilis akong pumasok sa glass door na nasa harap ko habang nakayuko. Hindi ko alam kung anong napasukan kong clinic pero lalabas din naman ako agad. “I’m sorry. I thought this is the clinic of my friend.” kalmado kong sambit nang umayos

