SPECIAL CHAPTER #2: BABY NUMBER TWO "Ma, sasama po ba kayo bukas?" Napalingon ako kay Mavy nang tanungin niya iyon sa akin. Tumabi siya sa akin sa sofa. Hindi na ako gaanong tumatayo ngayon dahil malaki na ang tiyan ko. 2nd baby na namin ni Shawn at manganganak na ako this month. I laughed at myself. Ironic, isn't it? Apat na taon kaming hindi nagkaroon ng anak ngunit ngayon, magkakaroon na kami ng pangalawa. Siguro nga, it's all about the God's timing. Ang apat na taon na iyon ay hindi pa para sa aming mga anak, para lamang sa amin iyong dalawa ni Shawn. 3 years old na si Mavy ngayon at nag-aaral na siya. Mayroong program na gaganapin bukas sa kanilang school kaya tinatanong niya ako kung sasama ba ako sa kanila ng papa niya. Umiling ako at hinalikan siya sa kanyang pisngi bago mags

