Nagising ako nang may tumapik sa balikat ko. "Hmm," I groaned. Salubong ang kilay na tiningnan ko ang nanggigising sa akin. "Let's go home na. I'm sleepy na rin," aniya. Nahihiya akong tumayo at inayos ang sarili. Karamihan ng mga tao roon sa backstage ay nagliligpit na ng gamit. It's past nine already, mabuti ay medyo maagang natapos ang event. I was expecting it to continue until ten or eleven. "Ches, magda-drive ka?" I nodded. "Baka makatulog ka sa daan." "Sumabay ka na sa akin, anak, at si daddy mo na ang kukuha ng sasakyan mo," sabi ni mommy. "Kay daddy na lang ako sasakay," sabi naman ni ate. Ganoon nga ang nangyari. Nag-take out kami ng pagkain sa nadaanang restaurant bago dumiretso sa bahay. It's a good thing that I didn't drive. Nakatulog kasi ako sa daan at nagising lang

