Layna's point of view KAKATAPOS ko lang linisin ang second floor, ramdam ko ang pagod ng likod ko. Ngayon ay nasa kwarto ako para magpahinga na. Kinuha ko ang unan na ginamit ni Uzi kagabi at niyakap ko iyun. Napa-pout ako ng inamoy ko iyon, pero wala man lanh natira kahit isang singhot ng amoy ni Uzi. P'wede kaya akong tumabi sa kan'ya ulit? Isang gabi pa lang n'ya ako tinatabihan, pero parang hindi na ako sanay na hindi s'ya katabi. Tapos na rin akong magluto kaya okay na rin na mag-imagine dito. Pinikit ko ang mata ko ng sobrang humiga dahil sa sobrang pagod ko. Susubukan ko mamayang tumabi kay Uzi. Gagapangin ko s'ya, kahit anong kapalit basta pumayag s'yang tumabi ako sa kan'ya. Natatawa ako sa iniisip ko. Noong una ayokong makita ang lalaking iyon, pero ngayon s'ya na lan

