Layna's point of view WALA akong ganap ngayon, at nasa bahay lang kami ni Uris nagtititigan. Wala si Uzi dahil nasa office ngayon. Bukas pupuntahan ko ang bahay ni Lolo Ramon, pero ngayon ay wala akong gagawin. Nakapagluto na ako, pero balak ko na dalhan na lang si Uzi ng pagkain sa office n'ya gaya ng dati. Malapit na mag-eleven, and sakto na hindi pa break time sa building nila. Inayos ko lang ang menudo na niluto ko. Si Uris ay pinaliguan ko saglit dahil pinangpaligo ang soup na ginawa ko kanina. "Pupuntahan natin si Papa," masaya kong sabi kay Uris. Hindi naman ako pinansin dahil abala sa pagdede sa bote. Pumunta kami sa kotse para sumakay na doon. Handa na ang lahat, at inisip ko kung mayroon ba akong nakalimutan o wala, pero mukhang lahat naman ay maayos kaya umalis n

