CHAPTER 56

1534 Words

Layna's point of view GABI na. Nagmamadali na akong umuwi ngayon dahil baka iyak na ng iyak si Uris. Dahil wala pang papalit sa akin ay hihintayin ko munang mayroon silang mahanap na papalit sa akin. papunta ako ngayon sa bahay ng Montelle para sunduin si Uris. Walang tawag na ginawa si Uzi kaya sana naman ay walang nangyari kung ano kay Uris. Pagdating ko sa bahay nila Uzi ay ang mga maid ang sumalubong sa akin. "Hindi pa po umuuwi si Sir Uzi," sabi ng isang maid sa akin. Napakuha ako ng phone. Anong oras na hindi pa inuuwi ni Uzi si Uris. "Sige, thank you," paalam ko sa maid. Sumakay ulit ako ng kotse ko para puntahan si Uzi sa office n'ya. Baka hindi makauwi si Uzi dahil kay Uris. Habang umaandar ang kotse ko, ang isang kamay ko ay hawak ang phone para tawagan si Uzi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD