Layna's point of view ISANG buntong hininga ang binigay ko kay Uzi. Nakahiga ako sa couch sa office n'ya. Pag aalis naman ako para lumabas isang nakakatakot na tingin ang binibigay sa akin, pagkakausapin ko naman tumahimik daw ako dahil ginugulo ko s'ya. "Anong oras ba tayo uuwi?" naiinip kong tanong kay Uzi. Maghapon na akong nakadikit sa kan'ya, pero s'ya abalang-abala sa ginagawa n'ya. Samantala ako lahat ng posisyon yata sa couch nagawa ko na. "Matulog ka na, gigisingin na lang kita," sagot n'ya sa akin. Saan n'ya hinugot ang sagot n'ya? "Wala na pong tao sa buong building," irita kong sabi sa kan'ya. Anong oras na ayaw pang umuwi, kung ayaw n'yang umuwi, pauwiin na lang n'ya ako. "So?" tanong n'ya sa akin na hindi tumitingin. Bigla akong mayroong naisip para guluhin s'ya. "

