Layna's point of view "WE are greatful to have you," nakangiting sabi ng employer ko. Ngumiti ako sa kan'ya, at nakipagkamay. "Thank you for giving me a chance to be part of your growing company," sagot ko kay Mr. Galang. Kakatapos lang ang interview namin, pero well-done naman ito. Natanggap na rin ako dahil na impressed sila sa galing ko. Konting usap lang tapos umalis na ako. Next week ako magsisimula sa kanila kaya mayroon pa akong isang linggo para makapag-relax sa buhay ko.. Dalawang linggo na simula ng umalis ako sa bahay ni Uzi. Wala na rin akong balita sa kan'ya, ayoko rin naman malaman kung anong nangyayari sa kanila ni Jasmine. Sumakay ako ng kotse ko. Siguro ay kakain muna ako bago ako umuwi ng bahay. Medyo okay na rin ako, back to normal ang lahat. Huminto muna

