AMANDA NAPAYUKO akong bigla nang marinig iyon kay Carla. Ano ang ginagawa niya rito? At nang isa isa nang pumasok sa loob ang mga tao ay pinauna na ako ni Emmanuel at sumunod siya. Naiwang nakatayo sa tapat si Carla at naglalakad na palapit ang kanyang tiyahin na siyang Executive Officer ng Sanchez Mira University. "G-good evening ma'am," bati ni Emmanuel sa kanya samantalang ako ay naiwang nakayuko lang at nakikiramdam sa kanila. I heard that walang anak si Mrs. Santos at alam ko ring ampon niya si Carla mula sa kapatid niyang namayapa na. "We visited Martina when I heard about it. And I guess she's more than okay now. But she's alone, Emmanuel. Buti na lang at dumating kayo." Lumapit si Mrs. Santos saka humawak sa balikat ni Emmanuel. Maputi at makinis ang kamay ng Executive Offi

