Nakatanggap ako ng balita na talaga ikinulong ng magpipinsang Hochengco ang lalaking nambastos kay Miss Eilva. Talagang ginagawa nila ng paraan para makulong ito. And yeah, ganyan sila kalala kapag talaga sila ang binangga mo. Gagawin nila ang lahat para malugmok ka. Kaya ang iba talaga na nakakakilala sa kanila, walang nagtatangka na lumaban sa pamilyang ito. Alam nila kung saan ka lulugar.
Nakatanggap din ako ng mensahe mula kay mama na bukas na ang reunion na inoorganisa nila. Malapit ko na din makita ang babaeng iyon—si Chirsty. Ha! Pati ang iba ko pang pinsan. Akala nila, hindi ko magagawa na sinasabi ko? Hindi na ako makapaghintay na mapapakain ko sila ng alikabok! Ha! Akala nila, hm...
"Pauline," tawag sa akin ng isa sa mga kasama ko sa trabaho. Si Gareth.
Bumaling ako sa kaniya habang nanguya. Lunch break kasi ngayon. " Bakit?" tanong ko. Kung tatanungin ninyo sa akin kung nasaan ang boss ko, kasalukuyan siyang umalis at kasama ang kuya Rowan at ate Sarette niya dahil may bibilhin daw sila. Hindi naman niya sinabi kung anong oras siya babalik dito sa kumpanya basta ang sabi niya sa akin, kapag may naghahanap daw sa kaniya, sabihin ko lang daw na umalis lang siya at babalik din kaya habang wala siya kanina, iyon ang sinabi ko sa mga naghahanap sa kaniya sa pamamagitan ng tawag o kaya ng mismo sa personal. Pero nag-iwan naman sila ng mensahe kung ano ang kailangan o sadya nila sa boss ko.
"Pansin ko lang, mas naging malapit kayo ni Sir River." diretsahan niyang sabi saka sumubos siya ng prutas, panghimagas niya.
Nanlaki ang mga mata ko at muntik na akong mabilaukan sa naging pahayag niya. Agad ko kinuha ang tubig na sa aking tabi at uminom ng kaunti bago ko man sagutin ang kaniyang opinyon. "Baka guni-guni mo lang 'yon." sambit ko.
Nagkibit-balikat siya. Nilunok niya ang kaniyang kinakain. "Hindi lang ako ang nakapansin, Pauline. Kahit ang ibang empleyado, 'yon ang nahahalata sa tuwing magkasama kayo ni Sir River. Pero, 'yong totoo? Kayo na ba o MU lang kayo?" uminom siya ng kakaunting tubig at muli nagsalita, " Alam mo kasi, wala naman problema kung kayo ang magkakatuluyan ng boss natin dahil matagal nang usap-usapan na matagal nang may pagtingin si Sir sa iyo."
Bahagya ako natigilan. Nakatitig lang ako kay Gareth. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya ang mga bagay na ito. Lalo na't nararamdaman ko na ang kinakatakutan ko, ang malaman ng iba ang tungkol sa aming dalawa ni River, kahit na sabihin nating fake boyfriend ko siya! Fake boyfriend ko nga siya, pero ilang beses nang may nangyayari sa amin! Damn, hell.
"At saka, bagay na bagay kaya kayo. Syempre, hindi mo napapansin iyon." ginawaran niya ako ng matamis na ngiti. Napatingala lang ako sa kaniya nang bigla na siyang tumayo. "Oh, siya. Una na ako, ha? Tambak pa ang gawain ko sa cubicle, eh."
"S-sige..."
Dinala na niya ang tray at naglakad na siya palayo sa akin. Pinanood ko lang siya hanggang sa nawala na siya sa aking paningin. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Bigla na naman sumagi sa isipan ko ang mga salita na binitawan ni Sir River sa akin, na talagang sinasabi niya na may nararamdaman na siya sa akin. Hindi naman ako manhid pero masasabi na dinedeny ko lang ang katotohanan na iyon dahil ang simple tao na tulad ko ay hindi nababagay sa kaniya. Isa siyang Hochengco at tulad ng sinasabi ng mga pinsan ko, ang isang tulad ni River ay mahirap abutin. Pero nang humingi ako ng pabor sa kaniya na magpapanggap siya na boyfriend ko kahit sa harap lang ng pamilya ko ay ayos na sa akin.
Be rational. Iyan na ang motto ko sa buhay buhat nang dumating na ako dito sa kumpana. All I have is my dream.Mga pangarap at sipag ang puhunan ko para makatagal ako sa pakikipagsapalaran sa Maynila.
**
Naging tahimik ako sa buong byahe namin ni River habang papauwi na kami. Alam kong nagtataka siya sa ikinikilos ko ngayon pero malaking pasasalamat ko na din dahil hindi niya ako kinukulit o panay tanong kung anong gumagambala sa aking isipan sa mga oras na ito. Kailangan ko lang pag-isipan ang lahat ng bagay.
Kahit pagdating namin sa unit ay tinanong niya lang ako kung anong gusto kong kainin pero ang tanging masasabi ko lang ay gusto ko nang magpahinga. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala habang dinadaluhan ko ang pinto ng kuwarto ko at pumasok na.
**
Nagising ako dahil naalipungatan ako. Nang silipin ko kung anong oras na ay ala una palang ng madaling araw. Nang silipin ko naman kung aking tabi ay walang River na naroroon. Kusa akong bumangon at umali sa ibabaw ng kama. Bakit bigla ko nalang siya hinahanap? Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?
Pinihit ko ang pinto ng kuwarto at tumambad sa akin si River na ngayon ay mahimbing na natutulog sa sofa. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siya sa lugar na iyon. Kusang ako napangiti. Nagpakawala ako ng hakbang palapit sa kaniya. Inayos ko ang kumot para kaniya, pagkatapos ay umupo ako sa sahig at nakatapat sa kaniya. Pinagmasdan ko ang kaniyang maamong mukha. Pinag-aaralan at tinatandaan ko iyon.
Niyakap ko ang mga binti ko. "Minsan napapaisip ako, kung hindi ka ba isang Hochengco, makikilala pa rin kaya kita?" mahina kong tanong na alam ko ay bigo ako makakuha ng sagot. Mapait akong ngumiti. "Ilang taon na tayong magkasama. Araw-araw kitang nakikita. Araw-araw nililimitahan ko ang sarili ko at isiniksik ko sa isip ko na empleyado mo ako at ikaw naman ay boss ko. Malayo ang agwat natin sa isa't isa, River."
Ngayon ko lang nagawa ito. Ang matitigan siya ng ganito katagal.
"Sa buong buhay, ngayon lang ako nakatagpo ng isang tulad mo... Na may pakialam sa akin na dapat ay wala, River." dagdag ko pa. Huminga ako ng malalim.
Ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin. Inilapit ko pa ang sarili ko sa kaniya. Nagpanglumbaba ako. And borrow this moment to stare him more. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. Kusang gumalaw ang aking kamay inilapat ko ang hintuturo kong daliri sa tungki ng kaniyang ilong.
"I'm falling, River... I'm falling for you." pag-amin ko.
"I love you, Pau."
Natigilan ako nang bigla siya nagsalita. Napaatras ako dahil sa gulat. Napasapo ako sa aking bibig. Kita ko kung papaano dahan-dahang idinilat ni River ang kaiyang mga mata. Nagtama ang aming paningin. Kahit na ganoon ay kita ko pa rin kung papaano pa namumungay ang kaniyang mga mata. Napalunok ako. Damn, gising pala ang isang ito?!
"K-kanina ka pa ba gising?" nahihiyang tanong ko.
Kumurap siya bago nagsalita. "Nang marinig ko ang confession mo," sagot niya. "Hindi agad ako dumilat dahil may gusto pa akong marinig until you said, you're falling for me." bahagya siyang bumangon at isinandal niya ang kaniyang likod sa sandalan ng sofa. Tinapik niya ang espasyo na nasa kaniyang tabi. "Here, sit."
Lumunok ako at tumayo. Tulad ng utos niya, umupo ako sa kaniyang tabi.
Masuyo niyang hinawakan ang isang kamay ko at dinampian niya ng halik ang likod ng aking palad. "Ito ba ang dahilan kung bakit tahimik ka?" he asked softly.
Tahimik akong tumango bilang sagot.
"You're still confused?" sunod niyang tanong.
"Hindi na tulad ng noong una." sagot ko. "Siguro, kailangan ko lang i-klaro kung anong nararamdaman ko. Dahil na rin siguro sa focus ako sa original plan na maging fake boyfriend kita. Then, sinabi mo sa akin na hindi na pagpapanggap ang nararamdaman mo para sa akin. Naisip ko din ang sinabi ng mga pinsan mo... I think, nilalaglag ka nila sa akin." saka ngumiti ako. "Then I realized, I'm falling for you, River."
Kita ko kung papaano lumapad ang kaniyang ngiti. "So, shall I take this as we are now exclusively dating?" he asked.
I twisted my lips. "Pwede rin. Yeah, I'm ready to be your girlfriend. For real, Mr. Ho."
Kinagat niya ang kaniyang labi. Pumikit siya at idinikit niya ang kaniyang noo sa akin. "You have no f*****g idea what diid you do to me, my baby Pau." he whispers. "I love you, Pauline. I love you."
Marahan akong pumikit pero hindi mabura ang mga ngiti ko. "I'm inlove with you, too."
**
Kinaumagahan din iyon ay natagpuan ko nalang ang sarili ko sa kama. Bumulaga sa akin si River na mahimbing pa rin ang tulog. Ramdam ko ang kaniyang labi sa aking noo at ang isang palad niya ay nasa bewang ko,habang nakasubsob naman ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Kasabay na tumunog ang cellphone ko. Bahagya akong gumalaw para sagutin ang tawag. Gumalaw din ng kaunti si River, siguro dahil sa nagigising na din siya sa tunog ng videoo call.
Pupungas-pungas pa nang hinawakan ko ang cellphone ko. Nang makita ko ang screen para malaman kung sino ang tumatawag ay awtomatikong nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko na si mama ang tumatawag! s**t!
Natataranta akong lumabas ng kuwarto at sinagot ko din ang tawag.
"Ma?"
Malapad ang ngiti niya na mama nang makita ko siya sa screen. "Anak!" masayang tawag niya sa akin. "Makakapunta ka mamaya, hindi ba?"
Ngumuso ako at tumango. Medyo antok pa ako. "Mamaya pa, ma." garagal pa ang boses ko dahil sa kakagising ko lang.
"Eh di makakasama mo ang boyfriend mo?" bakas sa kaniya ang excitement. Hayys.
Bago ko man sagutin ang tanong niya ay rinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa kuwarto at lumabas si River mula doon. "Good morning, baby." malakas na bati ni River na dahilan para marinig iyon ni mama.
"Sino 'yon?" nagtatakang tanong ni mama sa akin. "Makasama ka diyan sa unit mo?"
Napangiwi ako. Nag-iisip ako kung anong magiging palusot ko! s**t.
Tuluyang nakalapit si River at umupo sa tabi ko. "Who's that, baby Pau?" tanong niya sa akin sabay tingin niya sa screen ng cellphone.
"Boyfriend mo ba iyan, anak? Siya ang tinutukoy mo sa amin?" hindi makapaniwalang tanong ni mama.
Inilapat ko ang mga labi ko at tumango. Itinapat ko kay River ang screen ng cellphone ko para makita siya ni mama. "Ma, si River po pala..." kinakabahan kong sabi.
"Hala! Ang guwapo pala nito, anak!" rinig kong bulalas ni mama.
Ngumiti si River sa kaniya at kumaway. "Good day po, ma'm. I'm River Hochengco, ang boyfriend po ni Pauline, magiging fiancé nya din po mamaya. It's nice to meet you po."
Laglag ang panga ko sa papakilala niya sa nanay ko!
"H-ha?" si mama.
Kinalabit ko si River na nanlalaki ang mga mata ko. "Hoy, anong sinasabi mo, River?"
Pero tila bingi siya. Sa halip ay itinuloy pa niya ang sinasabi niya sa nanay ko! "Ma'm, kaya po ako naririto at nagpapakilala sa inyo para hingin ang kamay ng anak ninyo. Sa oras na pumayag kayo, isang tawag ko lang sa mga magulang ko, pupunta sila dito para po sa pamamanhikan."
"Ah... Eh..." rinig ko mula kay mama. "Mas maganda siguro kung... Makilala din kita nang personal, iho..."
"Sige po, wala pong problema sa akin. Ano po palang gusto ninyong pagkain? Bibilihin ko po bago kami pumunta ni Pauline d'yan."
"Naku, kahit huwag na... Kahit presensya mo lang, ayos na kami."
"Sige po, pero itatanong ko pa rin po kay Pauline. See you po later."
Hanggang sa naputol na ang video call. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hampasin si River sa braso. Kita ko nagulat siya sa ginawa ko. "Bakit iyon ang sinabi mo sa nanay ko? Nakakaloka ka!"
"Why? Ready na akong asawahin ka. Alam na ng kamag-anakan ko iyan." ginawaran niya ako ng isang mahulugang ngisi. "Kailangan ko din ligawan ang buong pamilya mo, my baby Pau. So tell me, what are their favorites?"