JANA's POV NAPAUPO ako sa buhanginan. "Gagawin niya ba talaga iyon? Ang ipagsabay kami ni Cheska?" hindi makapaniwalang-tanong ko sa isip. Hindi ko napigilan ang luha ko at kanina ko pa gustong maiyak noon pa lang hinalikan ni Rafael si Cheska sa harapan ko. Oo, sinabi ko na gawin niya iyon kasi ayokong magmukhang KJ at selosang girlfriend kaya inayunan ko ang bruhang Samantha na 'yon pero bakit ginawa niya pa rin? P'wede naman hindi. Tapos ngayon imbes na lambingin ako ni Rafael dahil nagalit ako sa ginawa niyang paghalik kay Cheska kanina ay sinabi pa niyang pagsasabayin niya kami ng babaeng iyon kung sakali at pinapapili pa niya ako kung bed partner niya o asawa? Ano man sa dalawa ay parang masaklap pa rin at nakakawasak ng puso, na asawa ka nga pero may kahati ka naman kahit ka

