JANA's POV "JANA, can we talk?" Nasira kaaagad ang araw ko nang makita ko siya at gusto ko na ulit bugbugin ang babaeng nasa harapan ko ngayon.Paglabas pa lang kasi ng building ng kompanya ni Rafael ay siya kaagad ang nakita ko. "We don't need to talk. And what are you doing here, slut?" may galit na tanong ko sa kanya. "I'm not here to fight, Jana, I'm here to talk to you!" inis na tugon ni Cheska. "I already told you, we don't need to talk and I don't want talk to you!" Inirapan ko siya at iniwan. "Jana, dahil sa'yo ay maaaring mawala ang lahat kay Rafael." Napahinto ako sa sinabing iyon ni Cheska at natigagal akong napatingin sa kanya. "Anong sabi mo?" "Kung gusto mong malaman ay sumama ka sa akin at mag-usap tayo." Lumakad na si Cheska palapit sa kotse niya at sumakay i

