Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kaniya. Bigla na lang ay natameme na ako. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Lalo siyang gumuwapo maliban sa mga mata niyang naging mas matingkad ang kulay. Ang aura nya ay hindi na katulad noon. Mas naging matigas pa ito. Nakatitig lang din siya sa akin. Naibuka ko ang aking bibig pero wala namang lumalabas. “You’re still mine, right?” tanong niya. Hindi ako makasagot. Pakiramdam ko ngayon ay sasabog ang puso ko sa labis na tuwa at kaba. “A-ako pa rin ba?” mahina kong tanong. “I left my heart to you three years ago. I want you to keep it forever. Will you keep it for me?” aniya. Lalo lamang akong hindi makasagot. “W-what do you mean?” kinakabahan kong tanong. Lumapit siya sa akin at kinuha ang box na dala ko kanina at binuksan iyon. Nap

