Kinakabahan ako habang nakatingin sa sarili ko sa malaking salamin. Suot ang simple pero eleganteng gown ay napapikit ako. “Ana, okay ka lang ba?” tanong ni Alice sa akin. Nilingon ko naman siya at alanganing nginitian. “Ewan ko, Alice. Kinakabahan ako, parang sasabog ang puso ko sa kaba at hindi ako mapakali,” sagot ko sa kaniya. “Wait lang,” aniya at kumuha ng tubig. “Oh, inom ka muna. Kumalma ka lang,” saad niya. “Girl, baka naman plano mong mag-runaway bride sinasabi ko sa ‘yo ha,” wika niya. Ang mga mata ay may kapilyuhan. Natawa lamang ako at uminom na ng tubig. Nang makahinga nang malalim ay umupo na ako. Ilang saglit lang ay pumasok na si Bela. Nakangisi at pumalakpak pa. “Beautiful girl,” kanta pa niya at niyakap ako. “Can’t wait to finally be your legal sister-in la

