Pagpasok ko sa kuwarto ay muntik na akong mapahiyaw nang hilahin ako ni Infernu at kaagad na sinakop ang aking bibig. Buong lakas na tinulak ko siya subalit hindi man lang siya natinag. Lalo lamang niyang diniinan ang halik sa akin. “Hmmp—” Pinagsusuntok ko ang dibdib niya subalit hinawakan niya lang ang aking mga kamay at ipininid sa dingding. Hanggang sa nawalan na ako ng lakas para umayaw. Ang rupok ko. Patuloy lamang siya sa paghalik sa akin. Ilang minuto pa ay lumayo na siya at nakatitig lamang sa mga mata ko. “I’m sorry,” wika niya. Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang siya narinig na mag-sorry. “I mean, I’m sorry sa ginawa ko kanina. Hindi ko dapat ginawa ‘yon,” dagdag niya pa. Tiningnan ko lamang siya. “Alam ko… alam kong hindi ko dapat ginawa iyon. It’s t

