Nagising ako dahil sa init na tumatama sa mata ko. Naririnig ko rin ang tunog ng dagat. Dagat? Iminulat ko ang aking mata at napailing. Ipinilig ko ulit ang aking ulo at nakamamangha ang tanawin sa labas. Napatingin ako sa paligid at iba na ang kinahihigaan ko. Tiningnan ko ang katawan ko at may suot na ako pero iba na. Napatingin ako sa harap at purong glass iyon. Kitang-kita ang asul na asul na dagat na tila kinakaway pa ako. Gusto kong bumangon pero parang dinaganan ako ng truck. Masakit ang katawan ko at halos hindi ko pa rin maramdaman ang pang-ibabang bahagi ng aking katawan. Sinubukan kong gumalaw at napapikit ako sa sakit. Naiihi ako pero hindi ko yata kayang tumayo mag-isa. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. “Hey,” ani Gideon at nilapitan ako. Nakasuot siya ng gray t-s

