Bandang hapon ay umalis na ako ng eskuwelahan pauwi sa apartment ko. Nagtaka naman ako kasi nakita ko ang landlady namin na tila nagtataka nang makita ako. “Bakit po?” tanong ko. Umiling naman siya at nginitian lang ako. Kahit nagtataka ay nagpatuloy na rin ako at pinihit ang aking door knob. Hindi na naman iyon naka-lock. Siguro ay nasa loob si Infernu. Pumasok na ako sa loob at nagulat ako nang makita ko si Leon. Nakaupo lamang siya at seryosong tiningnan ako. “A-ano’ng ginagawa mo rito?” kinakabahan kong tanong. Binunot niya ang baril sa gilid niya at itinutok iyon sa akin. Natuod naman ako sa aking kinatatayuan at hindi makagalaw. Seryosong nakatingin lamang siya sa akin. “Stay away from Infernu. You are not in love with him. You’re just a liability to him,” matigas niyang saad. K

