Matapos naming mag-usap ni Bela ay umuwi na kami ni Gideon. Tahimik lang siya habang nagmamaneho. Nakatingin lang din ako sa labas ng kotse. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang dalawang motor na kanina pa nakasunod sa amin. “Gideon,” tawag pansin ko sa kaniya. Seryoso lamang siyang nagmamaneho. “Let them be, we’ll be safe,” mahinang wika niya. Ilang saglit pa ay bumilis na ang takbo ng sasakyan. “Tighten your seatbelt,” dagdag niya pa. kaagad ko naman siyang sinunod. Tila tinatambol ang puso ko sa kaba. Kahit na nasa kahabaan kami ng high way ay tila hindi sila takot. Napalingon ako at binilisan din nila ang takbo. Napalunok ako at tahimik na nagdarasal. Napamulat ako nang maramdaman ang kamay ni Gideon sa akin. Hawak niya ang aking kaliwang kamay at mahinang pinisil. “Don’t worry

