Mabilis na pumasok ako sa loob ng bahay. Napasinghot ako nang makita sila sa living room. Kaagad na nilapitan ako ni Bela. Umiiyak din siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Lalo tuloy akong nadudurog. Ayaw kong isipin na may nangyaring masama, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. "B-bela," wika ko. "U-upo ka muna," saad niya. Napatingin ako kay Mama at Papa. Hinawakan ni Mama Sarissa ang kamay ko at mahinang pinisil. Kita ko ang unti-unting pagpatak ng kaniyang luha. Para akong mababaliw nang makita iyon. Naninikip ang puso ko at napailing. "A-anak, huwag tayong mawawalan ng pag-asa. Ginagawa na ng papa mo ang lahat. Hindi tayo papayag na hindi makita si, Gideon. Alam kong nahihirapan ka, pero kailangan mong tatagan ang sarili mo. Hangga't wala tayong nakikitang Gideon may pag-

