Mabilis na pumasok naman ako sa banyo at naligo. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at napangiti nang marahan. Hinawakan ko ang aking mukha at impit na napatili. Hinubad ko na ang aking damit at tumapat sa dutsa. Napahiyaw ako nang tumama sa aking katawan ang lamig ng tubig. "What happened?" tanong ni Gideon sa labas. "O-okay lang ako," sagot ko sa kaniya. Tinapos ko na ang pagliligo ko at lumabas. Nakita ko naman ang asawa kong naghihintay sa akin. Nang makalabas ay dumeritso na kami sa hapagkainan. Nakayignin lamang ang buong pamilya sa aming dalawa. Ngumiti lamang ako nang tipid at nagsimula na rin kaming kumain. "So, Ana buntis ka na ba?" tanong ni Mama. Napaubo naman ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanila at tila hinihintay pa ang sagot ko. "Hindi po," tipid kong s

