“Ana, saan ka galing?” tanong sa akin ni Alice. Naguluhan naman ako. “Sa bathroom,” sagot ko. Kumunot naman ang noo niya. “Girl, pumunta ako sa bathroom pero out of order ang female CR,” aniya. Natigilan naman ako at napalunok. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Paniguradong sinadya iyon ni Kuya Gideon kanina. “Ahm, lumabas ako. Pumunta ako sa CR sa l-labas,” palusot ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay at inilapit ang bibig niya sa tenga ko at bumulong. “Magkasunod kayong lumabas ni Gideon. Hmm,” aniya at may pagdududa sa boses pero nakangiti naman. “Alice, ano ba?” saway ko sa kaniya. “Ito naman ‘di mabiro,” bawi niya. Alanganing napangiti naman ako sa kaniya. Kinakabahan ako kasi alam ko nagdududa na si Alice sa akin. Siguro kapag napagtagpi-tagpi na niya ang lahat t’saka

