THE PLAYLIST BAR .... IYON ang pangalan ng bar na nasa harapan nya. Iginiya na sya ni Apreng papasok sa loob ng bar. May mga tao na rin na tahimik na kumakain at umiinom. Nasa roofdeck iyon kaya maganda ang view at mahangin. Nice and cozzy ang dating. May matangkad na lalaking sumalubong sa kanila. Nakipag high-five agad ito kay Apreng sabay sulyap sa kanya. "Uy– parang kilala kita," nakangising sabi ng lalaking matangkad. Kilala nya rin ito. Si Timber. Isa sa mga kalaro ni Kuya Patrick sa basketball. Ngumiti siya saka mahinhin na kumaway rito. Natawa naman si Timber. "Kumusta si Pat Dam?" "May asawa't anak na," maiksing tugon nya. "Tsk ! Sana all talaga !" natatawang sambit ni Timber saka bumalik ang tingin kay Apreng. "Doon kayo sa may veranda area para maganda ang view, order

